Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Umalis si Rodge na may sama ng loob kay Paeng, hindi nito matanggap na doon na lang matatapos ang lahat sa kanila. Nang may nakitang tricycle sumakay agad ito hanggang labasan tsaka nagpara naman ng taxi. Umiiyak itong may ngit-ngit na dala, pinagpapawisan ito at nanginginig kahit na nakabukas naman ang aircon ng sinasakyang taxi. Napansin iyon ng driver at tinanong si Rodge.
"Ayos ka lang ba sir? Mukhang masama yata ang pakiramdam mo." Ani ng driver.
"Sa daan ang tingin kuya, huwag mo akong intindihin. Ayos lang ako." Tugon ni Rodge.
Hindi na nagsalita pa ang driver at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Habang si Rodge, kung ano-ano na ang naririnig nito sa kanyang utak. May mga boses na itong naririnig na umaalingawngaw sa kanyang tenga. Mga sigaw, mga mura at tawa mula sa sari-saring mga tinig ng mga lalake. Hinahampas na at pinapalo nito ng sariling kamay ang ulo, sinasabunutan ang sarili at panaka-nakang tinatakpan ang tenga. Mawala lang sa pandinig nito ang mga naririnig. Muling napalingon ang driver kay Rodge at tinanong muli ito, nang mapansin na inuuntog na ni Rodge ang ulo sa kanyang upuan.
"Sir, sure ka lang ba na ok ka?"
"Huwag mo akong pakialaman kung ayaw mo na napagbuntunan kita! " Pasigaw na tugon ni Rodge sa driver, at galit na galit
Inisip na lang ng driver na baka may pinagdadaanan lang si Rodge kaya ganun iyon. Nag-aalala man hinayaan na lang ito ng driver. Nagpatuloy parin ang mga bumubulong na mga boses kay Rodge. At mas nakakabingi na ang mga ito para sa lalake. Dahilan para mapasigaw na lang si Rodge ng mura sa loob ng taxi, na kinabigla naman ng driver.
Natitgil lang ang gumagambala kay Rodge nang tumunog ang cellphone nito. Sa pag-aakalang si Paeng ang tumatawag at nais na itong makipagbati sa kanya agad niya itong sinagot nang hindi man lang pinansin kung kanino galing ang tawag.
"Sinong Rafael? Si tita Precy mo ito. Saan ka ba ngayon? Puntahan mo ako sa bahay, magkita tayo. Nandito ang ate Roxanne mo,kakauwi lang kanina. Rodge, may alam ka ba kung nasaan ang kuya Rodjun mo at si papa mo? Alam mo ba na ilang buwan na palang wala sa bahay niyo ang dalawa?" Sagot ni Precy na nasa kabilang linya.
"Buti naisipan pa pala niya umuwi, akala ko inabandona niya na kami kagaya ni mama. And yes alam ko na matagal ng wala si kuya sa bahay,pero about papa...wala akong pakialam sa kanya. Hindi ko alam tito. Wala na akong alam after niya ipamukha sa akin na wala akong silbi sa kanya." Tugon ni Rodge.
"Alam ko ang pakiramdam na iyan, alam ko ang feelings kung paano ma-reject lalo na ng isang tao na akala mo ang siyang magiging lakas at sandigan mo. Pero hindi ka man lang ba aware kung nasaan na ang papa mo? Anyway baka alam mo kung nasaan ang kuya mo, sabihin mo sa kanya na gusto na kayo makita at makasama ng ate niyo." Ani ni Precy.