Anino

489 18 2
                                        

Galing sa loob ng simenteryo sina Fil kasama ang kapatid at lola nito nang makasalubong nila si Paz na nag sisindi ng kandila sa gilid ng kumon na krus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Galing sa loob ng simenteryo sina Fil kasama ang kapatid at lola nito nang makasalubong nila si Paz na nag sisindi ng kandila sa gilid ng kumon na krus.

"Kayo lang mag isa, si Maru hindi niyo ba kasama?" paglapit ni Fil kay Paz

"kayo pala Fil, nagkahiwalay kami, kasama niya si Sue nasa merkado yata. Mukhang may bibilhin daw si Sue na pampasalubong sa mama niya sa Laguna."

"Uuwi na si Sue sa kanila?"

"Sasaglit lang naman, birthday kasi ng mama niya."

Sa kanilang pag uusap may nahagip ang paningin ni Fil. Kaya napatanong ito kay Paz.

"Tiya, magkasama ba kayo ni kuya Hector?"

"Hindi, bakit mo na itanong Fil?"

"Kuwan kasi parang nakita ko siya sa banda roon. Nakatingin sa atin." sagot ni Fil, ngunit nagtaka ito nang pagtingin muli nito sa direksiyon kung saan nakita niya si Hector, Wala na ito doon.

"Nasaan? Naku Fil baka kung sinong multo lang iyon. Undas pa naman ngayon. Mabuti pa sabay na tayong puntahan sina Maru, baka nag hihintay na Ang mga iyon sa akin." Tugon pa ni Paz.

"Sige mauna na lang kami Tiya Paz, pupunta pa kami ni lola sa Chinese cemetery para dalawin naman ang puntod ni papa."

Lumabas ng simenteryo si Fil na may pagtataka parin dahil sa nakita. Sakay na sila ng jeep ng may nagkagulo sa paradahan. Isang babae ang na saksak sa gitna ng kumpulan ng tao. Bababa pa sana sina Fil nang siya namang sakay ng dalawang  lalake na naka itim na jacket May mga patalim ito.
Nasa babaan lang nakaupo si Fil kaya kitang-kita nito ang mukha ng mga lalaking sumakay.  Nagkatinginan sila ni Jack.

sina Jack at Nato ang tumira sa babae na kanilang na hold-up na siyang sumabit din sa jeep na nasakyan nina Fil.

Nagkatitigan sa mga mata ang dalawa, matalim ang mga pagsulyap ni Jack kay Fil.  Kaya bago pa naka alis ng tuluyan ang jeep bumaba na sina Fil kasama ang Lola at kapatid nito.

Hanggang sa pagbaba, nila ng Jeep nakatingin lang kay Fil si Jack. Mga tingin na tila nagbabanta. Habang papaalis ang Jeep na sinasakyan nina Jack,  napatulala muli si Fil nang makita si Hector na pumara at sumakay sa driver seat sa mismong jeep na sinakyan ng dalawa.

Ginabi na sina Fil sa pag uwi mula sa pag-bisita sa simenteryo. Hindi naman ito kinabahan na dumaan sa tulay, dahil sa dami ng mga tao na nakasabayan nila ng sandaling iyon. Bukod kasi sa maraming dumadalaw sa mga puntod dahil sa undas, marami din Ang pumupunta sa peryahan malapit doon.

Nakalampas na sila sa tulay papasok sa kanilang barangay nang makasalubong naman nito si Rodge na may bitbit na malaking bag. Agad naman niya itong binati.

"Uuwi ka, gabi na ah. May masasakyan ka pa ba sa Oras na ito?" tanong ni Fil kay Rodge.

"May pupuntahan lang Ako malapit diyan. Wala kasi akong pasok bukas. O siya pare hindi na ako magtatagal." tugon ni Rodge at mabilis na sumakay sa pinara nitong tricycle.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon