HABULAN TAYA

314 12 8
                                        

Nasa terasa si Paeng nang lapitan ito ni Paz, may ibinalita ito sa kapatid na siyang ikinatuwa nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa terasa si Paeng nang lapitan ito ni Paz, may ibinalita ito sa kapatid na siyang ikinatuwa nito.

"Galing ako sa merkado at makikibalita sana tungkol kay Gemma, ngunit iba ang bumungad sa aking balita. Muntikan na raw mapatay ni Luz ang asawa at si Gemma sa taga ng dala nitong kutsilyo nang maabutan ang dalawa na magkapatong sa kama.Sa mismong silid ng mag-asawa nitong bisperas ng pasko. Kaya napasugod ako kanina sa presinto para kamustahin si Luz." Kuwento ni Paz.

"Bakit si Luz ang kinamusta mo at hindi si Gemma, diba kayo ang magkakabarkada noon?" Tanong ni Paeng.

"Paeng, mabibigyan na ng linaw ang nangyari kina Salvi at Martin. Dahil alam ko na kung sino ang tunay na pumatay sa kanila." Sambit ni Paz

"Sino tita? Sino ang pumatay kina mama?" Pagsingit ni Jericho.

Hindi namalayan ng dalawa ang pagdating ni Jericho. At sakto ang paglapit nito sa sinabi ni Paz.

"Mabuti at nandito ka Echo, sa wakas matutuldukan na ang kaso. Hindi ang kung sino mang killer ang pumatay kina Salvi at Martin. At lalong walang kinalaman doon si Romero. Dahil ang pumatay sa kanila, nandoon ngayon sa hospital at ginagamot dahil sa natamong taga at saksak sa katawan. Sina Gemma at ang kalaguyo nito na asawa ni Luz ang walang awa na pumatay sa kanila. Ibinulalas mismo sa akin ni Luz ang kanyang nalaman. Pagnanakaw ang motibo ng dalawa. At nasa posisyon pa ni Gemma ang ilan sa mga alahas na ninakaw nila kay Salvi. Sila rin ang unti-unting umubos sa lahat ng mga gamit ng mag-asawa sa bahay nila." Litanya pa ni Paz.

Hindi makapaniwala si Paeng sa kanyang narinig. Naroon sa kanya ang pagnanais na makaharap ang mga salarin. At dahil sa nalaman lumuwag ang kadenang pasan nito ng matagal na panahon dahil sa pangyayari. Ngayon wala na ang takot niya sa kanya ibaling ang panghuhusga.
Maging si Jericho napaiyak na rin sa tuwa dahil sa wakas matatahimik na rin ang kanyang ina. At mabibigyan na rin ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

"Gusto kong makita at makilala ang Gemma na tinutukoy mo tita. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kina mama. Pabubuksan muli namin ang kaso. Mabubulok silang dalawa sa kulungan." Ani ni Jericho.

"Nasa General hospital ang dalawa ayon kay Luz. At ayon sa kanya handa siyang tumistigo laban kay Gemma at sa asawa niya. Pero dapat mai-report na muna ninyo ito sa kapulisan baka makapuslit ang mga iyon doon sa hospital." Sabi ni Paz.

"Pupunta ako ngayon ng presinto,maghahain ako ng kaso" wika ni Paeng.

"Sasama ako sa iyo Pa, tatapusin na natin ang kasong ito." Saad ni Jericho.

Hinanap ni Jericho ang kapatid na si Fil upang isama sana nila ni Paeng, ngunit umalis ito ayon kay Fil. Magkasunod na umalis sina Paeng at Jericho sakay ng kani-kanilang service. Naiwan si Paz at Maru sa bahay. Naikuwento na rin ni Paz kay Maru ang nalalaman kaya excited itong tinawagan si Fil upang ipaalam ang magandang balita. Ngunit panay tunog lang cellphone ni Fil.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon