PUNLA NG GALIT

49 5 0
                                    

Ang mga tagpong iyon ang isa sa mga bangungot ng kahapon ni Precy na paulit-ulit na dumadalaw sa kanyang isipan kapag mag-isa na lang ito sa kanyang silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga tagpong iyon ang isa sa mga bangungot ng kahapon ni Precy na paulit-ulit na dumadalaw sa kanyang isipan kapag mag-isa na lang ito sa kanyang silid. Kaya bukod sa pagnanais na makita at makilala ang ama, isa din sa hangarin nito ang makilala niya ang anak nito kay Salvi.

Nang malaman nun ni Premo na buntis si Salvi nang tinulungan niya itong tumakas, gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala. Alam ni Premo na bagama't nagalaw nga ni Romero   ang babae sigurado naman siya dito na hindi nagawang makapagpunla ng lahi nito ang kanyang kuya kay Salvi dahil bago pa man, dumating na sila ng amang si Emilio

Sa hangarin na sirain ang reputasyon ng kapatid na si Romero sa paningin ng kanilang ama, at bastusin ito. Nagkaroon ito ng anak kay Salvi na wala sa plano. Gawa ng bulong ng kanyang kunsensiya, sinikap nitong amuhin ang babae na bumalik sa kanila. Ngunit buo na ang pasya nun ni Salvi na tuluyan ng kamuhian at kalimutan ang ugnayan nito sa mga Santana.

Makabayad man lang sa nagawa nito sa babae, sinubaybayan ni Premo si Salvi hanggang sa maisilang na nga nito ang kanilang anak. Kumpirmadong anak niya nga iyon sa babae.  Binayaran nito ang doktor  na siyang nagpa-anak kay Salvi upang masuri ang DNA ng sanggol at nang malaman kung match nga ba sa kanya.

"99.9 %, anak mo ang baby". pahayag pa ng doktor na nagsagawa ng test."

"keep this information secret. hindi ito dapat lumabas... maliwanag? alam mo na ang mangyayari kung lalabag ka sa usapan natin." paalala pa ni Premo sa doctor.

Nang malaman nito na nagbunga nga ang ginawa niya kay Salvi, biglang nagbago ang pananaw ni Premo sa buhay. Desidido na itong panindigan si Salvi ngunit nang balikan niya na ito sa dati nilang bahay wala na ito roon at nabalitaan na lang nito na may sinamahan na itong ibang lalake. Ikinagalit iyon ni Premo dahil malalayo na sa kanya ang kanyang magiging anak. Sa puntong rin na iyon nakikipagkalas na rin sa kanya si Jaime dahil natuklasan na din nito ang lihim na relasyon ng kaibigan nitong si Mercedes kay Jaime.

Naging sunod-sunod ang naging kamalasan ni Premo nang kanyang pagiging silahis ay natuklasan narin ng ama nito nang ilaglag ito ni Romero sa ama dahil sa ipinakitang sex video nito kasama si Jaime.

"Ingrato!!!" Pagsalubong ng ama kay Premo sabay hataw ng malutong na sampal sa anak.

"Pa?! Bakit?!"

"Bakit? Tinatanong mo ako kung bakit?! Wala ka nang ginawang matino para sa pamilyang ito! Kundi puro kahihiyan! Wala akong anak na bakla!!! Lumayas ka ditong hayop ka! Pati ang pamamahay na ito dinungisan mo pa ng kababuyan mo! Layas!!!" Galit na sumbat ng ama.

"Sige papa pagtabuyan mo ako! Ganyan naman talaga kayo sa akin simula pa noon. Wala nang mas kaaya-aya sa iyo kundi si kuya! Si kuya! Si kuya! Si kuya!"

"Mas gugustuhin ko pang makasama sa bahay na ito ang isang tulad ni Romero kaysa sa isang kagaya mo na bakla! Nakakasuka ang kababuyan mo!" Pagdidiin pa ni Emilio sabay hataw ng baston nitong hawak kay Premo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon