DUGO: Seventh part

183 10 0
                                        

'Hakbang sa Nakaraan'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


'Hakbang sa Nakaraan'

Isinugod sina Fil at Maru sa malapit na hospital ngunit sa patrol palang ng barangay nagkamalay na ang mga ito. Agad na inusisa ni Paeng sina Maru sa nangyari ngunit wala silang alam kung sino ang may gawa sa kanila nun. Basta na lang may kung sino ang nagtakip sa kanila ng panyo o basahan na may matapang na amoy kaya sila nawalan ng malay.

"may tumawag sa akin, lalake at gusto niya na magkita kami dahil may alam daw siya kung sino ang tunay na pumatay sa magulang ko. Nang tanungin ko kung saan kami magkikita ang sabi nasa tapat daw siya ng bahay. At ako lang dapat ang pupunta. Hindi ko naman alam na nakasunod itong si Maru, akala ko tulog na kasi hating gabi na iyon."_ayon pa sa kuwento ni Fil

"sinundan ko si Fil nang pumasok ito sa bahay nila, madilim kaya hinanap ko siya ng may naaninag akong anino ng tao. Akala ko si Fil na iyon ngunit hindi ito tumugon. Kasunod na nun may bigla na lang may nag takip ng panyo sa mukha ko.Nagpumiglas ako pero ang lakas niya hanggang sa nawalan na nga ako ng malay."_dugtong na kuwento ni Maru.

"ikaw Fil,nakita mo ba iyong tumawag sa iyo?" tanong ni Paeng.

"walang tao sa tapat ng bahay nang dumating ako, ngunit nagtaka ako kasi bukas na ang gate nun. kaya kinutuban ako na may nakapasok sa bahay.  Kaya dahan-dahan akong tumuloy napansin  ko na pati ang main door bukas, kaya sa likod ako dumaan ng kusina. Nakabukas din iyon kaya takang-taka ako. Pero nang nasa loob na ako may tumabon na sa mukha ko kaya nawalan na rin ako ng malay. Kaya siguro hindi na ako nakatugon kay Maru ng tumawag ito." paglalahad pa ni Fil ng kanyang kuwarto.

sinubukang tawagan ni Paeng ang numero ng taong tumawag kay Fil ngunit hindi na ito gumagana.

"ipapa trace natin sa kuya mo ang numero ng tumawag sa iyo kapag nahanap ko na siya." sabi ni Paeng.

"nawawala si Kuya Echo?"

"hindi, ewan...hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko. Wala rin siya sa bahay niya. Pero susubukan ko muling kontakin siya at puntahan siya baka sakaling naroon na iyon.

Dahil sa mga naikuwento ni Fil, balisa ngayon si Paeng. At kung bakit tanging si Paeng lang ang nakakaalam. Sa nangyari sa dalawa mas hinigpitan pa ng barangay ang siguridad sa kanilang lugar. Pinuntahan ni Paeng si Jericho sa bahay nito ngunit wala parin ang anak kinakabahan na nun si Paeng sa posibleng ginawa ni Hector sa anak. Kaya naisip nito na alamin kay Maru ang tungkol sa kanyang ama.

Pabalik na si Paeng sakay ng kanyang sasakyan nang tumawag sa kanya si Jericho. Nakahinga ng malalim ang lalake nang makita ang pangalan ng anak na tumatawag sa kanya.

"bakit hindi mo sinabi sa kanya na hawak mo na ako?" tanong ni Hector kay Jericho matapos tawagan nito si Paeng.

"gusto mo ba? tatawagan ko muli...ikaw ang magsabi." tugon ni Jericho.

"bakit hindi mo na lang ako tinuluyan? sa halip tinulungan mo pa ako." sabi pa ni Hector.

"hindi ako naniniwala sa binibintang sa iyo ng aking ama.At ayukong dungisan ng dugo ang kamay ko ng mga taong wala namang kasalan." ayon pa kay Jericho.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon