AMA, INA ANAK

121 6 1
                                    

Nakangiting kinamayan  ni Rodge si Jericho nang ibinigay naman ni Echo ang kamay nito nang pinakilala ni Paeng ang dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakangiting kinamayan  ni Rodge si Jericho nang ibinigay naman ni Echo ang kamay nito nang pinakilala ni Paeng ang dalawa. Sabay ng tatlo na pumasok ng bahay at doon nga naabutan nila ang apat sa kumidor kumakain. Malagkitang tingin ang ginawad ni Fil kay Rodge nang kinawayan ito g lalake. Buong galak namang binati ni Maru si Rodge sabay alok pa ng silya dito. Napakunot ng noo si Fil sa reaksiyon na iyon ng kasintahan. Tumayo si Paz para maglatag ng dagdag na pinggan para sa tatlo. Sabay na kumain ang pito sa hapag kainan ngunit tanging ang mga kutsara't tinidor lang na nagkikiskisan sa plato ang nagsisilbing ingay sa hapunan na iyon. Lahat tahimik, bawat isa abala sa kani-kanilang kinakain ngunit bawat isa ay nakikiramdam.

Hindi sanay si Paz sa ganun kaya napa-tanong agad ito kay Rodge.

"Uy Rodge buti naman at nagkita kayo nitong si kuya Paeng mo. Balita ko na destino ka na sa Maynila. Kelan ka pa nakauwi?" tanong ni Paz.

Sasagot na sana i Rode ngunit sinapawan ito ni Paeng at siya ang sumagot sa tanong ng kapatid.

"last week pa yata diba Rodge?...tsaka dito na muli siya magtatrabaho. At kaya kami nagkita, kasi balak niya muling mag board doon sa bahay natin sa maisan. Kaso sabi ko medyo alanganin na gawa nga nung nangyari sa atin. Kaya sabi ko kung gusto niya since my extrang kuwarto naman dito. Dito na lang ."paliwanag pa ni Paeng.

"Dito siya titira?!" halos sabay na reaksiyon ina Maru at FIl, na napatigil pa talaga sa pagsubo ng kanin nang marinig yon kay Paeng.

Maging si Paz man ay nagulat sa naging desisyon ng kapatid. Gayun paman sumang-ayon na lang din ito. Bahay naman iyon ni Paeng at kahit anong desisyon ang gawin nito sa pamamahay na iyon, may karapatan siya dun. Naunang tumayo si Fil ,maraming pagkain at masasarap ang ulam ngunit biglang nawalan na ng gana ito. Sumunod sa kanya si Maru. Naiwan ang lima na pinagpatuloy ang kamustahan at kuwentuhan. Ngunit hindi maiwasan Paeng ang magalala sa naging reaksiyon ni Fil. Pasimple tong sinundan ng tingin ang anak na papalabas a nun ng bahay kasunod si Maru.

Samantala,..abot-abot na ang kaba at pag-aalala ni Ignacio sa kanyang kuya. Kailan man ay hindi pa ginagabi nang ganun ang kapatid na hindi man lang tumatawag sa kanya. Pumasok ito sa kuwarto ng kanyang kuya at tiningnan ang mga gamit ng kapatid kung may naiwan ba itong clue kung saan ito pupunta ng araw na iyon. Nanghalungkat ito sa drawer ng kapatid.  At isang journal ang nakatawag ng kanyang pansin. Isa iyong planner ni Lucas. Hawak iyon, naupo sa kama ng kanyang kuya si Ignacio at sinimulan na nitong suriin at basahin ang nalalaman ng journal na iyon.

Sa planner na iyon inilahad ni Lucas ang mga plano nito sa paghihiganti sa mga Santana. At kabilang na nga sa lano nito ang singilin ang anak ni Romero kay Salvi. Ikinagulat iyon ni Ignacio. HIndi na idinitalye pa doon sa journal kung paano nalaman ni Lucas ang tungkol sa anak ni Romero kay Salvi. Ngunit nakalagay doon ang pangalan ng tao na siyang nagtatago ng anak ni Salvi  ay Romero. At ito ay si...

"Si Makalaay? at sinong anak ang tinutukoy  dito ni kuya? Si Jericho kaya? o si Fil?...totoo naman kaya ng pinagsasabi dito ni kuya sa kanyang journal? Grabe talaga ang galit ni kuya sa mga Santana. Aabot pa talaga siya  sa ganitong  plano. Ngunit hindi ko rin naman masisi si kuya dalawang mahalaga sa buhay niya ang nawala dahil sa kawalanghiyaan ng mga iyon. Pero mali ito kuya...may batas tayo. At kahit kuya kita hindi ko hahayaang madungisan ng dugo ang kamay o dahil lamang sa walang kamatayang pu-ot at paghihiganti."  saad pa ni Ignacio sa sarili.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon