PAGMAMAHAL
"Paano mo nagawa sa amin ito?! Bakit ka nag sinungaling?" isang boses ng matandang lalaki ang umalingaw-ngaw sa silid na iyon. Lahat sila ay nakamasid lang at nakikipag pakiramdaman.
"Pakiusap po, tatay Rio, wag niyo pong sigawan si ate Hannah," saad naman ng isang batang babae na pinipigilang umiyak habang naka hawak ito sa kamay ng isang dalagang naka sandal sa kama ng hospital
"Anak... b-bakit hindi mo sinabi sa'min ito?" napahagul-gul na lamang ang ginang dahil sa kanyang nalaman. Maging ang mga kasamahan nito ay napaluha na lang.
"Ina... tahan na po, ako po ay nasasaktan lalo dahil sa mga luhang pumapatak sa pisnge ninyo," saad ng dalaga habang hinihingal sa pagsasalita. Inabot at hinawakan niya ang kamay ng ginang.
"Lubos po akong nagpapasalamat at sa huli kong oras ay minahal niyo na rin po ako bilang kapamilya niyo. Ngunit nasasayangan ako sa mga panahon na hindi ko kayo na kasama," pag papatuloy niya habang ang pamilya niya ay lumuluha na ng sobra.
"Niminsan po ay hindi ako nag tanim ng galit sa inyo. Kahit na pinagkait niyo sa akin ang pagmamahal na hinahangad ko. Ang saya ko na po sana kung kompleto tayo ngayon, ngunit pati ang tadhana ay pinagkait ang hiling ko," naluluhang saad ng dalaga. Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang matipunong binata.
"Bunso...." saad ng binata habang naka tingin sa dalagang nanghihingalo. Dahan-dahan namang lumapit ang binata at hinawakan ang kamay ng dalaga
"K-kuya.. nandito ka na po. Ang saya k-ko po," nanghihinang saad ni Hannah
"Oo nandito na si kuya, kaya mag palakas ka ah. G-gagala pa tayo," saad ng binata sa kanya at nakita ng dalaga ang mga luhang pumatak sa pisnge ng kanyang kapatid.
"K-kuya..pagud na po ako. G-gusto ko na pong mag pahinga," saad nito habang dahan-dahang humiga at ipinikit ang mga mata nito.
Ikina bahala naman ito ng kanyang pamilya kaya nag salita ito ng mga bagay upang palakasin ang loob ng dalaga. Ngunit buo na ang desisyon ni Hannah.
"Tandaan niyo po.. Mahal na m-mahal ko po kayo. Proud ako sa pamilya natin kahit na.. kahit na ang tingin niyo s-sakin ay isang itim na topa," iyan na ang huling binanggit ng dalaga hanggang sa malagutan na ito ng hininga.
Kasabay ng pagkawala ng dalaga ay ang iba't-ibang boses ng pag iyak ang maririnig sa silid. Kanya-kanyang paghingi ng tawad ngunit alam nila na kahit anong pagsisisi nila ay hindi na babalik ang dalaga.
— 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...