PANGAKO BABALIKAN KITA
Sa isang liblib na nayon, may isang magsasaka na si Andres. Si Andres at ang kanyang asawa na si Jasmin ay may tatlong anak, ang panganay ay si Joaquin, sumunod si Anton, at ang bunso na si Maria.
Si Andres ay masipag at masayang tao, ngunit isang malupit na tagpo ang sumira sa kanyang buhay. Isang taon na tagtuyot ang dumating, at nawala ang kanilang ani. Naging kapos sila sa pagkain at hindi na kayang buhayin ang kanyang pamilya.
"Itay, wala na po tayong makain. Si Inay naman po ay malubha na po ang sakit." Malungkot na wika ni Joaquin. Sa isang taon ng tagtuyot ay nagkaroon ng malalang sakit si Jasmin, sa kasamaang palad ay walang manggagamot sa kanilang lugar.
"Magiging maayos rin ang lahat." Ani niya ngunit hindi nagtagal ay pumanaw na rin si Jasmin. Alam ni Andres sa kanyang sarili na tiyak magugutom rin silang lahat pag hindi pa siya humingi ng tulong sa kabilang bayan.
Nang malaman ni Andres na wala na silang makain, siya'y lumuwas sa kalapit na bayan upang humingi ng tulong. Ngunit ang tanging tulong na natanggap niya ay pangako lamang na "babalikan kita." Umuwi siya ng malungkot, wala na siyang maramdaman kundi pag-aalala para sa kanyang pamilya.
"Ama, no'ng nakaraang araw ay umalis si kuya Joaquin po upang mangaso. Ilang araw na po nakakalipas pero hindi pa rin siya bumabalik." Malakas ang loob ni Andres na may masamang nangyari kay Joaquin. Hinanap niya si Joaquin kasama si Anton ang ikalawang anak niya, ngunit hindi nila ito natagpuan. Makalipas ang dalawang araw ay natagpuan nila ang bangkay ni Joaquin sa tabing ilog.
Sa bawat araw na lumilipas, ang kanyang pamilya ay unti-unti nang namamatay sa gutom. Sumunod naman namayapa si Anton, siya'y namatay rin sa gutom. Sa wakas, nang malapit nang mamatay ang kanyang anak na si Maria, dumating ang taong may pangako. Ngunit huli na ito.
Nakita ni Andres ang mga taong may dalang pagkain at tulong, ngunit wala na siyang naramdamang kaligayahan. Ipinamigay na lang niya ang mga ito sa mga tao at sa kanyang anak na si Maria. Kasabay ng pag-ikot ng buhay ni Maria, kasabay din itong naglaho ang buhay ni Andres.
- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...