MANSANAS
"TAO PO??" kumakatok ako ngayon dito sa pintuan ni Aling Zaira, wala kasi siya sa farm kaya iniisip ko na baka 'andito siya. Kailangan ko pang bumili ng mga prutas sa kanya.
"Oh iha, halika at umupo ka muna rito," aya ni Mang Cannor, ang asawa ni Aling Zaira.
"Ano pala ang ipinunta mo rito, Ella?" Takang tanong ni Mang Cannor."Ahh kase po, bibili po ulit kasi kami ng mga prutas po. Kaso walang tao sa farm po. Hinahanap ko rin po si Aling Zaira," sinseridad kong sabi kay Mang Cannor.
"Ahh ganun ba. Si Zaira umalis pa, may pupuntahan pa 'ata 'yon. Naku iha, aalis rin pala ako ngayon, si Zen na lang ang mag aasikaso sayo," pagkarinig ko sa pangalan na'yon ay parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Nalintekan na.
"Ayy wag na po, makaka antay naman po ako kay Aling Zaira at tsaka po baka maabala ko pa po si Zen," pag tatanggi ko rito. Naku naman, huwag kana pong pumayag Mang Cannor, malas po ang lalaking yon.
"Naku iha, huwag ka nang tumanggi at nang maka uwi ka ng maag- Let me take care of her Pa," kung minamalas ka nga naman. Sumulpot pa si kumag. Tch.
"Oh andyan ka na pala, oh siya sige, maiwan ko na kayo," aangal pa sana ako ng maka alis na si Mang Cannor. Liste lang talaga.
Napa tingin ako kay kumag ng mahuli ko itong naka titig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.
"Umm.. bibili sana kami ng mga prutas, naubusan kasi kami ng paninda," pag bibigay ko ng topic sa kanya. Nakakahiya naman sa unggoy na'to, mukhang busy eh. Busy sa pakiki pag harutan.
"Halika, samahan mo kong kumuha ng mga prutas," saad nito at hinawakan ang aking kamay. Tila may kung ano akong naramdaman dahil sa simpleng paghawak niya sa aking kamay. Geez.. what was that?
Pumunta kami sa kabilang bahay para kumuha ng mga prutas. May mga taniman 'din kaming nakita roon, mga halaman, prutas at gulay. Para siyang maliit na farm. May mga prutas na naka lagay. Take note, by label pa 'di tulad mo na hanggang fling lang at walang label.
"Woah, ang gaganda ng mga prutas. Mga mansanas!" Masigla kong saad sabay takbo papunta sa mga mansanas. Adik na adik ako sa mga prutas, especially ang mga mansanas. Siguro mahal na mahal ko ang mga apple kasi doon ako pinaglihi?
Kumuha ako ng isang kaperaso ng mansanas, pinag masdan ko ang kagandahan nito. So red and shiny.
Siguro isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang Mansanas ay ito laging pinapadala ng secret admirer ko. Hanggang ngayon isang malaking palaisipan sa akin ang lalaking nagpapadala nito. Ang tanging pangalan na nakasulat sa letter niya ay ginoong mansanas. Strange right?
"Hoy! Akin na nga 'yan. Ako ang naka unang kumuha n'yan ah," galit kung ani sabay abot sa kanyang kamay na ang hawak ay ang mansanas na tinitignan ko kanina.
"No, this is mine." Pag tatanggi niya at itinaas pa niya ang mansanas. Naku naman, itong unggoy na'to.
"May saging naman doon oh, sayo na lang yun. Mukha ka namang unggoy," pag lilinaw ko. Oops, nadulas ako don ah.
"What do you think of me, a monkey?" Biglang dumilim ang awra nito. Shocks, para siyang witch.
"Hindi ah," napangisi ako ng may maisip akong kalukohan. "Isa kang baklang unggoy," saad ko at tumawa ng malakas.
Totoo naman kasi, nagagalit siya tuwing lumalapit ako kay Jeric so iniisip ko na isa siyang bakla at type niya si Jeric. Bwahaha.
Nang mapansin kung masama ang mga titig nito sa akin ay napatahimik ako. Mukhang na pa sobra ako do'n ah. Totoo naman kasi eh. Ayaw pang umamin, tanggap kaya namin siya rito.
"What's with that look?" Tanong ko sa kanya. Para na siyang mangangain ng tao sa lagay niyang 'yan.
"Nothing, I just love this apple. Hmm.." nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinawakan niyang kamay ko at inilagay doon ang mansanas na hawak niya. He whispered to me that made me shocked.
"Don't you dare think of me as a gay, you might regret it," pagkatapos niya iyong bigkasin ay mahinang kinagat niya ang aking tinga. Shit. Naitulak ko tuloy siya ng bahagya
"A-anong hindi. Totoo naman kasi, nagseselos ka sa akin dahil lumalapit si Jeric my labs mo. At tsaka, k-kilabutan ka nga diyan sa ginagawa mo. Ano namang gagawin mo kung iniisip ko na bakla ka," matapang kung ani sa kanya ngunit yung tuhod ko nanginginig na sa kaba.
"Simpli lang....." dahang dahan itong lumapit sa akin at bigla niyang ipinulupot ang isang kamay niya sa beywang ko. Bigla niyang hinawakan at mapang akit na kinagat ang mansanas na hawak ko sabay sabing...
"If you don't get that thoughts out of your head, I might own you right here, right now." ano daw..
"You're shock? I know. I don't want you going near to that bastard. I'm jealous, Ella. Layuan mo siya. Kung paano ko kainin ang mansanas na'to, 'yon din ang gagawin ko sa apple mo," makahulagan niyang ani at hinalikan ako sa labi.
Oh shoot! Huwag ko kayang layuan si Jeric, medyo bet ko 'yung ginawa niya. Pssh, self ang landi lang ah.
-𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...