𝑯𝑶𝑳𝑫𝑨𝑷

6 3 0
                                    

HOLDAP

Ayss ano ba yan, wala na naman akong pera, araw ng mga patay ngayon at ako naman ay may patay na wallet.

Sa sobrang patay wala nang laman. Pambihira 'to oh, pauwi na ako galing sa sementeryo para dalawin ang namayapa kong kapamilya tas' hindi man lang ako pinabaunan nang pamasahe nina mama.

Dumaan muna ako sa park para mag pahangin saglit, iwas stress muna ako. Wala na nga akong jowa, wala pa akong pera. Ouch, I felt so heart broken.

Habang nakatayo ako dito banda sa may puno nakakakita ako ng mga taong dumadaan. Sa bandang gilid ko naman ay may mag jowang nag haharutan. Multohin sana ang mga 'to, ang landi.

Sa kabilang bahagi ay natatanaw ko si aling Maria at ang baranggay captain namin na kumakain ng ice cream... aba'y mga lokarets rin ang mga 'to, panigurado mga chismis na naman ang pinag uusapan ng dalawang 'yan.

"Holdap 'to!" Nakaramdam ako na may matulis na bagay sa tagiliran ko. Aba't ako na nga ang walang pera ako pa ang ho-holdapin ng hayop na'to.

Piste naman oh, minamalas ka naman, Lord! Utang na loob, ilayo mo ako sa mga masasamang elemento at demonyo. Baka masapian ako at sapakin ko ang lalaking 'to.

"Kuya, wala ho akong pera, utang na loob huwag ho ako," saad ko sa lalaking nang ho-holdap sakin. Bakit pa kasi ako? Why me? Am I not pretty enough?! Char.

"Akin na sabi 'yang pera mo?! Subukan mo lang sumigaw, itatarak ko sayo itong kutsilyo ko!" Pasigaw niyang bulong sakin. Lord pigilan mo ako, masasapak ko na ang animal na'to.

"Kuya naman, hindi ka naman bingi, sabing wala akong pera eh!" Saad ko at pilit na winawaksi ang kamay niya na may hawak na kutsilyo.

"Sabing akin na ang wallet mo. Holdap nga 'to!!" Pagkasabi niya no'n ay mas idiniin niya pa ang pagtutok ng kutsilyo sa'kin.

"Oh ayan, isaksak mo sa baga mo, hinayupak ka," saad ko naman sa kanya sabay bigay sa kanya ng wallet ko.

"Apat na centemos, pera rin naman 'yan kaya wag kang mag-inarte diyan," saad at bigla naman nag bago ang reaksyon nito.

"Ano?! ito lang ang pera mo?!" hindi maka paniwalang saad niya

"Aba'y tol, kahit maganda ako di naman ako mayaman. Atsaka bakit ako?! Ayan si Maria a.k.a aling Marites, mayaman yan... Oo, mayaman sa chimis! Oh yan si kapitan, mayaman din yan, ninakaw nila lahat ng ayuda namin eh," turo ko sa kinaruruonan nila, agad naman nagsilakihan ang mga mata nila ng makita nilang may hawak na kutsilyo yung lalaki.

"Ang arte mo pa, ikaw na nga 'tong nang ho-holdap," nahagip naman ng mga mata ko si Brittany, aba'y ang bruhang 'to, may utang pa pala 'to sa'kin.

"Oh ayo'n! 'Yon si Brittany, kaklase ko, bagong reband ang buhok niyan, may utang pa nga yan sakin na limang libo eh. Diyos ko, kuya, wala kang mapapala sakin," parang bata na pagmamaktol ko sa kanya.

Mag sasalita na sana ito ng may maisip ako ng kalokohan, pagtripan ko kaya ang holdaper na'to.

"Ayy teka lang... diba dapat ako ang mang holdap sayo, ang dami mo nang nanakaw diba?" Tanong ko sabay kuha ng kutsilyo niya. Naalarma naman siya ngunit agad kong naitutok sa kanya ang kutsilyo. Kanya-kanyang reaksyon naman sila aling Maria, kapitan at si Brittany gano'n din yung mag jowa.

"Oh holdap 'to! Akin na 'yang ninakaw mo! Piste ka, walang-wala rin ako ngayon. Pang pa milktea ko lang. Akin na yan. Bwesit 'to."

- 𝐄𝐧𝐝

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now