"DO I HAVE A CHANCE?" Hingal na hingal kong tanong sa kanya. Please give me a chance lord. I'll fix everything! Taimtim akong nagdadasal habang inaantay ang sagot niya.
"I'm sorry but you're trully late," kalmado ngunit walang emosiyon niyang sagot sa tanong ko. Oh God, no!
"Please! I'll do anything. Maawa ka, pagbigyan mo na ako," pagmama kaawa ko sa kanya. I can't give up. No and never will!
"Sorry sir, pero talagang sirado na kami," saad naman ng kasamahan niya na ikina dismaya ko pa lalo.
"Better luck next time," saad niya bago isinirado ang pintuan kaya ito ako ngayon nasa labas. Shit 'asan ako mag hahanap ngayon?!
Lakad takbo ang ginagawa ko ngayon. Hingal na hingal at pagod na pagod na ako pero hindi ako pweding sumuko.
Tinignan ko ang relo na nasa kaliwang kamay ko at alas 10: 57 na ng gabi. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Bea.
"Asan kana ba hah?!" galit ang tono nito at bakas sa boses nito ang pagka inip. Shit, I'm so dead..
"Lovee... sirado na lahat ng tindahan dito. Wala na akong mahahanapan na nagtitinda ng inihaw na manok," malungkot ngunit may halong lambing at pagsusumamo ang aking boses upang hindi ito magalit.
Bigla naman tumahimik ang nasa kabilang linya kaya kinabahan ako agad. Shit. Galit na ang aking reyna. Bumuntong hininga ito at inaakala kong kalmado na siya ng biglang...
"Tangina naman Troy!! 'Yan kasi eh, sinabihan na kita na bumili ng inihaw na manok kina aling Lusing pero 'di ka nakinig," parang batang nag mamaktol ito. Nailayo ko agad sa tenga ang cellphone ko dahil sa pagkaka sigaw nito.
"Pero love.. masyado akong busy that time," mahinahon kong saad sa kanya.
"No! Sige ka, pag hindi mo ko bibilhan ng inihaw na manok sa sofa ka talaga matutulog sa loob ng isang buwan!"Piste talaga oh. Dapat kasi bumili na ako habang maaga pa, ayan tuloy, ako maghihirap nito. Lintek talaga! Mag sasalita pa sana ako ng bigla akong binabaan ng telepono ni Bea.
Isip Troy.... saan ka makakahanap ng paboritong pagkain ng mahal mong asawa. Sigurado akong hindi lang sa sofa ako matutulog kundi matitigang talaga ako nito sa loob ng isang buwan.
Nasiraan pa ako ng sasakyan tapos na lowbat pa ang cellphone ko. Anak ng— lintek talaga oh! Humanda ka sakin mahal kong asawa, pagkatapos mong manganak bubusugin talaga kita sa loob ng siyam na buwan.
Tangina mo satanas! Nag makaawa pa ako sa tindira pero sa sofa pa rin ang bagsak ko ngayon. Masamang nilalang, pakiusap lang lubayan mo ako!
- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...