ANGELS

10 3 0
                                    

ANGELS

Naka tambay lang ako rito sa plaza, nagpapahangin lang. Sa sobrang daming problema sa bahay ay na kaya ko pang magpahinga. Ayss kailan kaya ako magpapahinga habambuhay?

Sa aking pag-iisip di ko namalayan ang paglapit ng isang batang lalaki sa akin. Tinuro niya ang aking braso sabay sabing.

"Ate isa ka rin bang anghel?" tanong niya. Ano raw, ako isang anghel? Baka demonyo siguro.

"Ano?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"Sabi kasi ng nanay ko na yung mga taong may mga marked wrist ay isang anghel," ani niya kaya napatingin ako sa sugat ko sa braso. Right... I almost tried to kill myself. Naglaslas ako.

"Hindi ako isang anghel," sagot ko sa bata. Ba't kaya ituturo ng isang magulang ang ganong bagay.

"Isa ka pong anghel," nakapamewang ani nito habang may ngiti sa labi. Aba'y ang batang ito, napaka kulit.

"Sabi ni Nanay na ang mga taong anghel lang daw ang may ganyang marka kapag nasasaktan sila ng sobra. Ang mundong ito kasi ay sinasaktan sila kaya sinusubukan nilang umuwi sa langit," pagpapaliwanag niya.

"Sabi rin ni Nanay na masyado rin silang sensitibo sa mga taong nagsasalita nang masasakit sa kanila." Nagulat ako sa sinabi ng batang lalaki. Hindi mo aakalain na ang batang ito ay maraming alam sa mundo. Buti pa itong bata, alam kung ano ang nararamdaman ko.

"Alam mo bata, napaka talino ng nanay mo," ani ko habang naka ngiti sa kanya.

"Salamat po. Alam niyo rin po ba na isang anghel rin ang Nanay ko," maliit siyang ngumiti at ang kanyang huling sinabi ay nagpagulat sa akin ng husto.

"Kaso po umuwi na po siya sa langit," saad niya na ikina durog ng puso ko.

- 𝐄𝐧𝐝

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now