TEDDY BEAR: Father's Day
Nakaupo ako ngayon dito sa may sala at nagbabasa ng newspaper ng biglang lumapit ang anak kong si Dennis.
"Papa, mag hi ka po kang Alec," saad nito habang niyayakap ang teddy bear nito. Natawa ako ng mahina at napaisip, hayss larong pambata nga naman.
Kinuha ko ang laruan nito at binuhat na parang baby sabay sabing. "Hi Alec, magandang umaga sayo," bati ko na may ngiti at napakamot naman sa ulo ang aking anak.
"Pa... hindi po yan, ito pong katabi ko ay si Alec," saad nito habang naka nguso, teka.
"Anak wala naman tayong kasama ahh," mahinang usal ko ng biglang may narinig akong isang kaluskus.
"Pre! Sino kausap mo dyan?" biglang sulpot ni Casper at tinignan ang sulok ng sala. Napaharap ako bigla at napansin kong wala na ang aking anak sa kuwarto at tanging hawak ko lang ay ang kanyang teddy bear.
"Oo nga pala pre, ngayon ang death anniversary ng anak mo na si Dennis diba? Hindi ka ba bibisita?" tanong nito na ikinapukaw ng aking attensyon.
Tsaka ko lang naalala... Four years ago, my son died because of his heart decease. I was about to stand up when I felt a cold breeze that embrace me.
"Happy Father's day papa," a whisper that I always wanted to hear every year. Ahh I think it's time to let him go. Thank you, anak ko.
- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...