10 MILLION
"Here's the ten million kapalit ang kaibigan mo," saad ni Avery sakin, is he really desperate? Nilingon ko naman ang asungot kong kaibigan na si Janice.
Janice is my long time bestfriend. Mag-isa na lang siya sa buhay. Wala na kasi siyang pamilya habang ako naman ay mag-isa lang sa apartment na inuupahan ko. Since malayo ang probinsya ko sa pinag tra-trabahoan ko.
Kaya napag isip-isipan rin namin na magsama na lang sa iisang bahay since na magkakilala na kami simula highschool. Hmm ano kaya iniisip ng bruha na'to.
"Akin na ang pera 'tas hawakan mo na si Janice," seryosong saad ko, napansin ko naman ang pag-atras ni Janice gano'n din ang pag ngisi ng lalaki na'to.
"Here. Halika na Janice.. since binenta ka na ng kaibigan mo, I can own you now," ngising asong saad ni Avery. Pfft siraulo tong gago.
"Hoy bruha! Nababaliw kana ba?! Ba't mo'ko binibenta?" Pasigaw na saad ni Janice ngunit 'yong mukha niya ay malungkot.
Nang mahawakan na nito si Janice ay nagpumiglas naman ang babaeta habang pinipilit siyang ilabas ni Avery sa pamamahay ko.
"Sandali lang, may pera ka ba para pamasahe mo Avery, sabi mo kasi kanina ay sumakay ka lang ng jeep dahil na siraan ang sasakyan mo," saad ko. Mukhang nag iisip pa ang ulol.
"Hindi, mag lalakad na lang kami ni Janice papunta sa mansyon," aba'y gago nga, maglalakad eh ang layo ng mansyon nila.
"Ito five million, umuwi ka na sa inyo at iwan mo dito si Janice. Mag ga-gabi na at baka mapagalitan kapa ng Mama mo," bigla namang umasin ang pag mu-mukha ni Avery dahil sa sinabi ko.
"Ano ako, bobo?! Binili ko na si Janice sayo kaya aalis na kami dito," galit na galit gustong manakit.
"Eh pa'no ba yan, kanina pa nakikinig ang nanay mo sa usapan natin, tinawagan ako, nawawala raw ang ten million peso na pera sa company niya. Actually nakikinig pa siya hanggang ngayon," sabay kuha sa cellphone kong kanina pa naka on.
Bigla naman namutla ang pagmumukha ng baliw na'to. Aba'y may utak rin kaya ako. Akala siguro niya mauuto niya ako. Oii nagkakamali siya. Yare ka sa nanay mo boy.
"May araw ka rin sa'kin Lara. You wicked witch," saad niya at kinuha ang limang million na pera sabay alis sa bahay ko este bahay namin pala.
"Yeah right. Aantayin ko ang araw na'yan," I said while smirking.
"Akala ko ibibigay mo na ako. Kinabahaan ako ro'n ng kunti ahh," sabay punas sa kanyang noo.
"Nah... I don't actually share what's mine," pabulong na saad ko sa kanya
"Hah? Ano sabi mo?" Gulat na gulat niyang tanong.
"Wala! Ang sabi ko hatiin na natin itong limang million na pera." Pag-iiba ko ng topic. Sorry na lang ako sa sarili ko dahil manhid at bingi ang babaeng iniibig ko.
Hayss, kawawa naman ako at luging-lugi pa. Yeah right, I'm a lesbian and I like her but let's keep it as a secret.
- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...