TIMELESS
Isa akong first year college student and I'm taking BSED, English major. Gabi na at hindi ko parin natatapos yung essay na ibinigay sa 'amin kaninang umaga.
Ikaw ba naman bigyan ng minimum of 2000 words of essay about the youth is the hope of nation. Ewan ko ba kung tamang kurso ba itong kinuha ko pero dahil ito yung pinasok ko aba siyempre itutuloy natin. Sabi nga nila; sinimulan mo, taposin mo at palaging sabi rin ng ate ko; "Ginusto mo'yan kaya ituloy mo."
Nasa study table lang ako, nagsusulat at nag re-research ng aming topic, ang haba naman kasi nito. Sa aking pagsusulat ay may narinig akong ingay sa labas.
Yung study table ko kasi ay na sa harap lang ng window dito sa kuwarto ko. Tumitingin ako sa bintana kung ano ba iyong ingay.
"Taho! Bili na kayo ng taho diyan!!" Ani ng isang bindor. Aba may nagtitinda pa pala sa mga oras na ito. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Ma'am! Taho po kayo diyan." Nagulat na lang ako ng may nagsalita sa harapan ko. Yung bindor nakasilip sa bintana at naka ngiti.
"Ay salamat na lang po." Sagot ko nito at nginitian ng matamis. "Sige iha, magandang gabi na lang sa iyo," ani nito at umalis na rin.
"Tahoo! Taho kayo ri'yaaan!!" Napamulagtat ako ng may maalala.
Teka lang... hindi ba't nasa 5th floor itong apartment na tinitirhan ko? What the hell was that?!
- 𝐄𝐧𝐝
Author's note:
Hi guys! This is actually the description of my story entitled "TIMELESS." I'm still writing about this story, hopefully I will post this in here and complete it. Thank you.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...