Pagsubok

5 3 0
                                    

Pagsubok

Sa isang kaharian may isang Hari ang namumuno sa kaniyang bayan. Siya ay wala ng asawa at ang tanging kasama niya na lang sa buhay ay ang anak niya na babae. Ang kanyang anak ay isa ng dalaga at naghahanap ang hari ng isang lalaking mapapangasawa nito. Kaya naman siya ay nag bigay ng isang palaro na kung saan ang mananalo ay maga-gantimpalaan.

Sinabi ng hari na kung sino ang makakalangoy sa ilog na puno ng buwaya ay bibigyan ko ng gantimpala, maari siyang pumili; Princesa o Kayamanan.

Sinabi ito ng hari upang subukin ang kakayahan ng mga kalalakihan, kung ito ba ay malakas, matalino, at may pagtitiyaga.

Natakot ang mga kalalakihan sa dami ng buwaya. Walang sino man ang naglakas na tumalon sa ilog dahil sa takot na baka sila ay makain ng buwaya at mamatay ng biglang tumalon ang isang lalaki.

Lahat ng tao na nandoon sa paliksahan ay nagulat marahil hindi nila alam na may isang lalaking tatanggapin ang hamon ng hari. Marami ang natakot sa buhay ng binata na baka siya ay makain at bawian ng buhay. Marami rin ang namangha at humanga sa katapangang taglay ng binata.

Mabilis na lumangoy ang binata at sa gulat ng mga tao siya ay nakaligtas at nakatawid sa ilog na wala man lang sugat. Lahat ng taong naroroon ay masayang nagsigawan dahil ligtas ang binata.

Maging ang Hari ay nagulat sa nangyari, siya ay nasiyahan at namangha sa lakas at tapang taglay ng lalaki. Agad nagsalita ang hari na ikinatahimik ng mga tao.

"Magaling, ano ang gusto mong gantimpala, Princesa o Kayamanan? Maari ka nang pumili," saad ng Hari sa binatang habol ang hininga dahil sa nangyare.

"Wala akong pakialam sa anak at sa kayamanan mo. Ang gusto ko lang ay malaman kung sino yung putang inang nagtulak sakin!"

At doon nagtatapos ang kuwentong pagsubok ng binata na ikinagulat ng madla.

- 𝐄𝐧𝐝

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now