MAKEUP: Father's Day
Today is Father's Day, selebrasyon para sa mga tatay. Wag kayo magulo, alam kong alam ninyo ang meaning no'n.
Anyway... nandito kami ngayon sa plaza kasama ang mag-ina ko, pagala-gala lang dahil nga Father's day ngayon.
"Daddy... pahinga muna tayo. Can you buy ice cream Daddy pleaseee?" malambing ani ng aking anak na si Kyla.
"Sure anak, para sayo. Hon may ipapabili ka ba?" tanong ko kang misis ng busy ito sa paglalagay ng makeup sa mukha. Aghh mga babae nga naman.
"Maybe a burger and hotdog buns too, thanks hon," ani nito at patuloy sa paglalagay ng foundation."Okay, I'll be right back," ani ko at pumunta sa tindahan dito sa plaza.
Dali-dali akong nag lakad papunta sa bench kung saan iniwan ko ang aking mag-ina na tila busy sa daldalan. Nang makalapit na ako ay hindi pa rin pala tapos sa pag me-makeup ang aking asawa. Luhh ilang layers na kaya yan? Char lang at baka matudas pa ako ng mahal kong asawa.
"Daddy, why does mommy always wear makeup?" biglang tanong ng aking anak ng makalapit ako. Aba malay ko sa nanay mo, sine-seduce 'ata ako, charot.
"To make herself more beautiful," ani ko sabay abot sa kanila ng pagkain.
"But she's already beautiful," ani nito kaya napangiti tuloy ako at ang aking misis sa sinabi ng aming munting Kyla. Akmang kakain na sana ako ng biglang magsalita ulit ito.
"Daddy, you should wear makeup." Napaubo ako bigla at nabilaukan na ikinatawa ng aking misis. Tangina, ano akala nito, gano'n na ba ako kapangit?
Aba gago'ng batang ito ah, mana sa Nanay.-.
- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...