The Struggles of the Panganay
"Ano ba Kaji. Grow up!" Ani niya matapos niya akong sampalin. She's mad that I couldn't give her my money at the right time kaya naputulan kami ng kuryente.
"Ma... bakit ang unfair niyo? Anak niyo rin naman ako ah. Bakit para'ng lahat na lang ata ako na ang gumagawa." Mahinang ani ko sa kanya.
"Huwag mo'ng isumbat sa'kin yan. Ako pa rin ang nanay mo!" Singhal nito sa'kin. I laugh bitterly. My mother, huh. She didn't even act like a mother to me.
"Hindi porke't panganay ako ay dapat pasan ko na ang mundo. Mama... anak niyo rin ako, gustong mamuhay ng malaya. Hindi ako bakal na hindi nakakaramdam ng sakit." Ani ko na ikinatigil niya sa pagsasalita.
"Anak niyo ako. Oo, panganay ako at may responsibilidad sa pamilyang ito pero kasi," na patigil ako sa pagsasalita at napaluha na lang. "Pero kasi Ma.. tao rin ako. Nasasaktan at napapagod. Hindi porke't panganay ako ay dapat salo ko na kayong lahat."
"I'm thankful that you gave birth to me pero Mama lagi na lang kasi ako eh. Sa kakauna ko sa inyong lahat, wala ng natira sa akin. Puro na lang ako." Pagpapatuloy ko nang sampalin na naman ako ni Mama.
"Wala ka ng respeto sa'kin! Huwag mong ipagmalaki iyang mga bagay na nakamit mo kasi kung hindi sa'kin wala ka ngayon!" Galit niyang sigaw.
"Hindi ko naman po sinusumbat sa inyo kung ano ang mga nagawa ko sa pamilyang 'to. Sinasabi ko lang naman na sana... sana pakinggan niyo rin ako. Minsan ba Ma na itanong mo sa'kin kung ayos lang ba ako? Kung kumain na ba ako o ano na ang kalagayan ko ngayon, because to be honest, right now, I couldn't feel your love anymore, Ma."
"Are you telling me that I'm unfair?" mahinang ani ni Mama.
"No, Ma. I'm saying you have your favorites. Lagi na lang sila bunso at kambal ang pinapaburan niyo. Ayos lang naman sa'kin Ma eh, matagal ko ng tanggap 'yon. Ang akin lang naman Ma ay sana.. pakinggan niyo rin ang mga sinasabi ko. Nahihirapan rin ako eh."
Sa wakas na sambit ko rin ang mga salitang iyon. Mga salitang dumurog sa'kin ng ilang taon. Ang bigat... sobrang bigat na tila ba silang lahat ay umaasa sa'yo.
I just wanna feel free. Be myself. I just wanna feel me again. Sakim na ba ako kung ganon? Paano naman ako?
Gusto ko rin magsaya tulad ng mga kapatid ko. Maranasan gumala with friends or alone time with myself. Hindi naman porke't nagsasaya ako ay tinatakbuhan ko na ang responsibilidad ko sa pamilya ko. I just need time for myself too.
- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...