Mapapagud pero 'di susuko

5 3 0
                                    

MAPAPAGUD PERO 'DI SUSUKO

Naranasan niyo na bang maramdaman na gusto mo nang magpahinga dahil pagud na pagud ka na sa mundong? Ako si Marissa Natividad at ito ang maikli kong istorya.

***

Nakaupo ako ngayon at hinihintay na matapos ang klase ni sir Melvin, ang aking guro sa Filipino.

"Ano ang pinaka kinatatakutan niyo?" ani nito upang kunin ang attensyon ng mga kaklase kung maiingay. Kanya-kanyang nag taasan ng kamay ang mga ulupongs.

"Sir! Takot po akong maiwan mag-isa," saad ni Klent na tinawanan ni Theo sabay sabing. "Lol! Iniwan kasi ng jowa kaya ayan!"

"Sir! Sir! Sir! Ako po! Takot akong makulong!" pasigaw na saad ni Rakki.
"Malala na sayad mo Rakki!" ani naman ni Kisha.

"Ako naman po ay kapag nabigo po ako sa lahat ng bagay," saad ng president namin na si Patrisha.

"Ikaw Jay-r?" tanung sa kaklase kong tahimik. "Takot akong mawala ang pamilya ko," mahinang sagot ni Jay-r.

"Ikaw Kate?" tanung ni Sir sa bida-bida namen kaklase. "Kapag po nawalan po ako ng tahanan!" saad niya sa matinis na boses.

"Pabida-bida talaga!" bulong ni Rakki ngunit rinig naman namin lahat iyon kaya natawa naman sina Theo at Prime.

"Kayong dalawa? Anong pinaka kinatatakutan niyo?" tanung ni Sir Melvin.

"Ang mamatay po!" Pasigaw nilang saad at parehong natawa dahil magkasabay silang sumagot habang ako ay nanatiling nakikinig sa kanila.

"Ikaw Miss Natividad... may pinaka kinatatakutan ka ba?"

"Po??" na agaw naman ang aking attensyon ng mapansin kong lahat ng mga kaklase ko ay nakatitig na pala sa akin.

"Ang sabi ko may pinaka kinatatakutan ka ba?"

"Wala po,"malumanay kong sagot. Lahat sila ay nagulat sa aking sagot. Sino naman kasi ang 'di magugulat sa sagot ko.

"Hala si Marissa nababaliw na 'ata. Hoy babae, paanong wala eh lahat naman tayo may kinatatakutan," agad naman sumang-ayun silang lahat sa sinabi ni Kisha kaya mapait akong ngumiti sa kanila dahil sa bagay na 'di nila alam.

"Lahat ng sinagut ninyo ay kinatatakutan ko ngunit ang sabi kasi ni sir Melvin ay pinaka kinatatakutan ko."

"Lahat kasi ng mga kinatatakutan ninyo ay nangyari na sa akin. Nabigo ako sa lahat ng bagay gusto kung gawin at naisin. Nawalan ako ng tahanan, wala na akong pamilya. Nakulong ako sa kasalanang hindi ko ginawa at higit sa lahat, lagi akong naiiwan mag-isa," sabi ko pa kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"Hindi ka ba takot mamatay?" Tanong ni Klent na may awa sa kanyang mukha. Mapkla naman akong ngumiti sa kanila sabay sabing.

"Hindi... hindi ako takot mamatay... dahil 'yon ang matagal ko nang nais mangyari," pagkasabi ko nun ay napansin ko ang kanilang katahimikan bago nagsalita si Jay-r.

"Bakit buhay ka pa hanggang ngayon? Paano mo nagagawang mabuhay sa madilim mong mundo." Mahinang tanong niya at natawa ako ng sinapak ni Theo si Jay-r.

"May sumampal lang kasi sa'kin ng katotohanan na hindi dapat sayangin ang buhay. Kahit ilang beses ka man madapa sa dilim, may magsisilbing liwanag pa rin. Mapagud ka man ay tumayo ka pa rin. Okay lang magpahinga, ang buhay kasi ay hindi naman isang karera, dapat ipagpatuloy lang ang takbo ng buhay at lumaban na walang inaapakang iba," ani ko sabay ngiti ng matamis sa kanila.

- 𝐄𝐧𝐝

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now