DIPLOMA'Y NAABOT
'Hindi yan makaka pagtapos!'
'Anak ng pokpok yan eh!'
'Oo nga naman mare, like mother like daughter'
'Mabubuntis rin yan ng maaga'
'Wala yang mararating sa buhay'
Mga katagang lagi kong nariring, kesyo, hindi daw ako makaka pagtapos at wala daw akong mararating sa buhay. Lumaki ako sa hirap. Bata pa lamang ako noon ay tumutulong na ako kay Mama sa pagtitinda ng mga ulam. Sa murang edad ay nagisnan ko na ang marahas at sakim na mundong ito.
Dati kapag umuuwi si Mama galing sa trabaho niya ay lagi kong napapansin ang mga pasa at sugat sa kanyang katawan, may kunting galos rin ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasan itanong sa kanya kung bakit may pasa siya.
"Mama.. sinaktan ka na naman po ba ng boss mo?" inosenteng tanong ko sa kanya. "Nakagawa kasi ako ng kasalanan sa kanya anak," saad nito sabay upo sa sofa.
"Huwag niyo pong sabihin na may nambastos sa inyo at sinubukan mo pong ipagtanggol ang iyong sarili?" tanong ko at umupo sa tabi niya.
"Oo anak eh, mukhang galit na naman si boss," sagot naman nito sakin.
Sa tuwing umuuwi si Mama hindi ko mapigilan na maiyak na lamang dahil sa awa at lungkot. Lagi akong pinapangaralan ni Mama at tinuturuan ng magandang asal. Panay payo rin ito sakin na wag basta't-bastang maniniwala sa mga lalaki.
Sabi rin ni Mama na; "Anak, kahit anong mangyari, lumaban ka lang ahh. Darating ang araw na magiging maayos na ang lahat. Magsumikap ka lang at manalig sa Diyos," ngiting saad ni Mama sa akin.
Simula noon, ipinangako ko sa sarili ko na kapag nakapag tapos na ako sa pag aaral at makahanap ng desenting trabaho ay lilisanin na namin ang lugar na ito at magsisimula ng bagong buhay.
***
"At ngayon, palakpakan natin si Marissa Natividad, ang ating magna cum laude para sa kanyang talumpati!" saad ni Mrs. Peralta.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Alam kong marami sa inyo ang pagod na kaya gagawin ko na lang kunti ang talumpati ko. Gutom na ba kayong lahat?" saad ko na ikinatawa naman ng karamihan.
"Binabati ko kayong lahat ng mag aaral ng Pearl University, alam kong nagpakahirap kayo para abutin ang pangarap niyong lahat. Ngayon ay nakapag tapos na tayo sa koleheyo ngunit hindi pa rito nagtatapos ang ating paglalakbay.
"Nagpapasalamat ako sa ating mga guro na 'andiyan palagi na sumusuporta at gumagabay sa atin. Kahit minsan ay nagbibigay tayo ng sakit ng ulo sa kanila ay alam kong mahal nila tayo. Maraming salamat rin sa mga estudyante ng P.U na hindi sumuko at nagpatuloy sa kanilang laban kahit parang wala na tayong nakikitang magandang kinabukasan, " saad ko at napansin kong nakatitig ang mga guro sa akin.
"Lahat ng ating pinagdaanan ay sulit lang sapagkat ating naabot ang diplomang ating inaasam! Itong diplomang ito ay magiging ala-ala kung paano tayo nag sumikap. Ang diplomang natanggap ay dahil sa ating pagsusumikap kasama ang gabay ng ating panginoon na sa kahit anong hamon, siya ay mananatiling mabuti sa ating lahat."
"Itong dimplomang ito ay inaalay ko aking Ina.... nawa'y na sa mabuting kalagayan na siya ngayon," saad ko sabay punas sa aking luha.. Rest in peace, Mama.
***
Author's note:
Hindi hadlang ang ating estado sa buhay, kung maniniwala ka na kaya mong abutin ang pangarap mo, kasabay ang pag susumikap at gabay ng ating Diyos, sigurado akong ang lahat ng ating pangarap ay ating malalasap.- 𝐄𝐧𝐝
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomGood day, everyone! I've been thinking that I should write my One Shot Stories in fb here. I have many ideas in my mind, so I'm writing one-shot stories. Each story will be in just one chapter. Sometimes, I get ideas for scenes or small stories, but...