TAUHAN

348 15 0
                                    

Hey, guys! This is Mr. WOM's first BxB story. Wala lang, flex ko lang 'yan.

I'm MAXI. Loud and proud gay. Maraming characters sa kwentong ito. Medyo nakakatamad isa-isahin ang role nila so by batch na lang.

So my parents are ARNULFO and MINDA. Tanggap ako ni Mother Dear, pero si Father Dear, hindi. So isa siya sa major hurdles sa kwentong ito. Nandiyan din si Tita FRIDA na hindi ko talaga feel kahit anong gawin ko. Mukha kasing hindi gagawa ng maganda.

Si Kuya DAVID. My loving brother na tinanggap ang pagkatao ko wholeheartedly. Habulin ng kababaihan at kabekihan, pero ang puso ay tanging sa kanyang kasintahan lamang na si Ate MONICA. Hindi kami close, pero love siya ni Kuya, so tolerate to the highest level ang peg ko sa presence niya.

Ito naman ay mga kaibigan kong may kanya-kanya ring saltik. Si PAULINE. May ahas tendency 'yan si girl. Kaya alam niyo na. Isa rin siya sa mga hurdle sa kwentong ito. Then there's DEVON. My ever supportive friend maliban sa mga kagagahan ko sa buhay. The voice of reason. At si RUBY. Patay na patay sa brother ko. Support ako sa kanya, pero si Kuya ay talaga namang loyal boyfriend sa girlfriend niya.

At ang mga lalaki naman sa buhay ko.

Si LYNDON. Ang jowa kong minsan lang magparamdam. Pero mahal na mahal ko 'yan. Si ARIS na hanggang friendship lang ang kaya kong ialay. Si FERDIE na talaga namang true definition of perfection. Hindi nga lang sinuwerte sa fiancée niyang ubod ng sama ang ugali. Si VANESSA. I don't like her. Inaagaw niya ang atensyon ni Ferdie na rapat ay sa akin lang.

Syempre, si JAKE. Ang magiging roommate ko na saksakan sa kagwapuhan, pero sinalo lahat ng kasungitan sa mundo. Masisira ang beauty ko sa kanya. Buti na lang kasama namin ang aming baby girl...este ang kapatid niyang si GIGI sa inuupahan naming apartment na pagmamay-ari ni Aling LUDY.

Mr. WOM: Awat na, Maxi. Lagpas na sa word count.

Oh. Nagsalita na si Author. Ang dami-dami ko kasing sinasabi. Basta basahin niyo na lang ang magulong kwento ng buhay at pag-ibig ko.

Byeee.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon