MAXI's POV
Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang maging official mag-boyfriend kami ni Jake at, so far, ay maayos naman ang lahat sa aming dalawa. Masasabi kong mas nakikilala na namin ang isa't isa on a deeper level.
Ngunit may mga pagkakataong hindi ko maintindihan si Jake dahil bigla na lamang nag-iiba ang kanyang mood. Minsan ay nakikita at nararamdaman kong masaya siya kapag magkasama kaming dalawa pero may times na bigla na lamang siyang magsusungit sa akin at hindi ko alam ang dahilan.
Gusto kong isipin na nagseselos si Jake sa tuwing sinusubukan ni Lyndon na muling makipaglapit sa akin ngunit ayoko namang mag-assume at baka mali rin ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit bigla na lamang muling nakikipag-close sa akin si Lyndon na para bang walang nangyari at hindi ito nagtaksil sa akin kasama ang aking dating kaibigan na si Pauline.
Minsan ay gusto kong magtaray kay Lyndon kapag kumakatok ito sa aming apartment unit ni Jake para magbigay ng pagkain ngunit hindi naman ako ganoong klase ng tao. Kapag maayos akong pinakiharapan ng isang tao ay maayos ko rin itong pakikitunguhan kahit pa nga ba hindi naging maganda ang paghihiwalay naming dalawa ni Lyndon.
Nagtataka lang talaga ako kung bakit out of nowhere ay biglang nakikipaglapit sa akin si Lyndon ngayon gayong dati naman ay nagmamalaki pa ito sa akin at parang wala man lamang pagsisisi sa ginawa nitong pagtataksil.
Isa lang ang sigurado ako. Hindi ako dapat basta-basta magtiwala kay Lyndon. Nagawa na nitong lokohin ako noon at hindi malabong ulitin pa nito iyon ngayon.
Tatanggapin ko ang mga pagkaing ibinibigay ni Lyndon sa amin nina Jake at Gigi pero hindi ko hahayaang muli itong makapasok sa aking puso at saktan na naman ako.
Tama na ang isang beses na kamangmangan.
Hindi na ako muling magpapauto sa Lyndon na iyon at kahit kay Pauline.
Speaking of Pauline, hindi ko alam kung bakit parang laging malungkot ito sa tuwing nakikita ko ito sa labas ng kanilang apartment unit ni Lyndon. Para bang palagi itong may iniisip at kung titingin naman ito sa akin ay parang humihingi ng kapatawaran ang mga mata nito.
Gusto kong isiping hindi masaya si Pauline sa piling ni Lyndon pero possible ba talaga iyon? Hindi nga ba at ito ang pinili ni Lyndon over me?
Hay.
Ang sakit sa ulo mag-isip.
Nasa ganoon akong estado ng pagmumuni-muni nang bigla akong mapatingin sa telebisyon na nasa sala dahil narinig kong binanggit sa isang balita ang ferry company ng aming pamilya. Ang Retillon's Maritime Passage Tours.
Bigla akong nakaramdam ng pangungulila nang makita ang mukha ng aking ama habang pormal nitong inaanunsyo ang launching ng pinakabagong ferry ng aming kompanya. Alam kong halos abutin ng dalawang taon ang paglikha sa ferry na iyon sa loob ng shipyard na pagmamay-ari rin ng aming pamilya dahil ang gusto ni Father Dear ay iyon ang maging pinakamalaking ferry ng aming kompanya.
Malalim akong nagbuntung-hininga habang nakatingin sa mukha ng aking ama na nasa TV screen.
I miss my Father Dear. I miss him so much.
Hindi ako galit sa ginawang pagpapalayas sa akin ng aking amang si Arnulfo dahil naiintindihan ko ang kanyang rason kung bakit nito ginawa iyon. Alam kong nabigla ito sa aking ginawang pag-a-out at natural lamang ang naging reaksyon nito dahil na rin sa iniingatang pangalan ng aming pamilya.
Umaasa ako na sana hindi na galit sa akin ang aking ama at isa sa mga araw na ito ay pauuwiin na ako nito sa mansyon.
Ang sabi naman ni Kuya David sa mga mensaheng ipinadadala nito sa akin ay itinatanong minsan ng aking Mother Dear sa aking ama kung maaari na akong bumalik ng bahay at ang isinasagot lamang daw ng aking ama ay pag-iisipan nito.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)
Художественная прозаSi MAXIMILIANO aka MAXI na yata ang sumalo sa lahat ng positive outlook na inihulog mula sa langit. Lagi niyang nakikita ang kagandahan sa lahat ng sitwasyon. Habang sa kabilang dako naman ay namumuhay ang isang lalaking parang ipinanligo na ang lah...