KABANATA 18

72 8 0
                                    

MAXI's POV

Umagang-umaga pero nakasimangot na naman ang mukha ng aking roommate slash boyfriend na si Jake. Kanina pa siyang nagdadabog at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kagabi naman ay maayos ang aming usapan.

Nasabi ko na kay Jake kagabi ang tungkol sa aking nakita sa labas ng supermarket na pinuntahan namin ni Ruby kahapon. Binanggit ko na nakita kong may kasama siyang babae at kilala ko kung sino ang babaeng iyon.

Ang fiancée lang naman ni Ferdie. Ang lalaking aking hinahangaan.

Ang babaeng hindi ko feel at bumibigat ang vibe kapag nakikita ko ito.

Walang iba kundi si Vanessa Horales.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jake nang marinig niya ang aking tanong. Muli ko pang inulit ang aking tanong in case na hindi niya naintindihan.

Maxi: Ang sabi ko, bakit nandoon ka sa labas ng supermarket na pinuntahan ko kanina at kasama mo si Vanessa?

Biglang ibinaling ni Jake sa ibang direksyon ang kanyang tingin.

Kumunot ang aking noo nang makita kong parang nag-aapuhap ng isasagot sa akin si Jake.

Hindi kaya may sikreto silang dalawa ni Vanessa?

Matagal na kaya silang magkakilala?

Nanlaki ang aking mga mata nang isang nakaririmarim na ideya ang pumasok sa aking isipan. Bigla ko na lang naisip na baka may lihim na relasyon sina Jake at Vanessa.

Ngunit agad ko rin namang ipinilig ang aking ulo dahil kahit pa mabigat ang aking loob kay Vanessa ay wala naman akong nabalitaang niloko nito kahit isang beses ang fiancé nitong si Ferdie.

Mas malaki pa ang porsiyentong maniniwala akong nambababae si Ferdie sa fiancée nito instead of Vanessa cheating on her fiancé. Dahil bago pa maging magkasintahan sina Ferdie at Vanessa ay parang nagpapalit lang ng damit si Ferdie kung magpalit ng girlfriends.

Kapapanood namin ito ni Ruby ng mga television and online dramas kaya kung anu-ano ang pumapasok sa aking isipan.

Hindi pa rin sinasagot ni Jake ang aking tanong kaya naman muli akong nagsalita.

Maxi: At saka parang nagtatalo kayo. May problema ba kayong dalawa ni Vanessa?

Muli akong tiningnan ni Jake ngunit sa halip na sagutin niya ang aking tanong ay siya pa ang nagtanong sa akin.

Jake: P-paano mong nakilala si Vanessa?

Nagdududang tiningnan ko si Jake dahil parang kinakabahan siya habang itinatanong iyon.

Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tanong na iyon ni Jake dahil unang-una ay hindi naman niya sinagot ang aking tanong ngunit ngayon ay ako ang kanyang inuusisa na para bang wala akong itinanong sa kanya. Pero naisip ko rin na baka kapag sinagot ko ang kanyang tanong ay sagutin na rin niya ang aking mga katanungan.

Maxi: Well, si Vanessa ang fiancée ng best friend ng kapatid ko.

Nakita kong kumunot ang noo ni Jake at pagkatapos ay tumango-tango.

Maxi: So?

Nang muli akong tingnan ni Jake ay naroon ang pagtataka sa kanyang mukha.

Jake: Anong so?

Pinigilan kong mapataas ang aking isang kilay dahil mukha nga talagang nakalimutan na ni Jake na may itinanong ako sa kanya kanina.

Maxi: May itinanong ako sa 'yo kanina. Remember? Ulitin ko ba?

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon