KABANATA 6

165 8 0
                                    

MAXI's POV

Hindi ako makapag-focus sa pagkain nitong hapunang nasa aking harapan. Damang-dama ko sa aking kaloob-looban ang mga titig sa akin ng aking roommate.

Bakit naman ganito?

Wala akong ginagawang masama.

Kuya, huwag p---

Hay naku. Kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Eh, tinititigan lang naman ako ng aking roommate.

Maxi, sumubo ka na ng hapunan.

Pinipilit kong mag-focus sa mainit na kanin at malutong na piniritong isdang nasa aking harapan.

Kumain ka, Maxi. Kumain ka na.

Bakit ba parang hirap na hirap akong isubo itong pagkain? So what kung nakatitig sa akin ang aking roommate?

Ang masungit kong roommate na si Jake.

Nakaupo si Jake sa kabisera ng mesang narito sa loob ng aming apartment. Nakaupo ako sa kanyang kaliwang gilid at sa kanyang kanan naman ay katapat ko ang kanyang kapatid na si Gigi.

Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Jake sa aking gilid. Nanginig pa ang aking kanang kamay na may hawak na kutsara.

Jake: Kakain ka ba o hindi?

Bakit naman masyadong seryoso ang lolo mo?

Pormal na pormal ang tinig ng boses ni Jake nang kausapin ako.

Gigi: Tikman niyo po ang luto ni Kuya Jake. Siguradong masasarapan po kayo.

Napatingin ako sa batang si Gigi. Napakasigla nito.

Kung ganito lang sana ang kapatid nitong si Jake.

Jake: Baka kasi mapili, Gigi? Baka hindi sanay sa mga ganitong pagkain?

Parang biglang nagpanting ang aking mga tainga sa narinig kong sinabing iyon ni Jake.

Ano ang ibig sabihin ni Jake? Sinasabi niya bang nag-iinarte ako at hindi kayang kumain ng piniritong isda?

Eh, favorite ko nga ito.

Dahil sa sinabing iyon ni Jake ay dire-diretso kong isinubo ang kanina pang naghihintay na pagkaing nasa kutsarang aking hawak.

Puno pa ang loob ng aking bibig nang muli akong sumubo.

Isa pang subo muli.

At isa pa.

Lumulobo na ang aking magkabilang pisngi pero tuloy pa rin ako sa aking pagsubo ng pagkain hanggang sa mahirinan ako.

Namula ang aking buong mukha habang dali-dali kong inabot ang baso ng tubig sa aking tabi.

Nakita kong tumayo mula sa pagkakaupo nito si Gigi at lumakad palapit sa akin. Hinimas nito ang aking likod at marahang tinapik-tapik.

Nanlalaki ang aking mga mata habang sinasaid ang lamang tubig ng hawak kong baso. Hindi pa ako nakuntento at nang masaid ko ang tubig sa loob ng baso ay muli ko itong pinuno ng tubig at muling sinaid iyon.

Nang ilapag ko ang baso sa ibabaw ng mesa ay hinihingal ako. Lumalawit pa ang dila.

Namumula pa rin ang aking mukha at namamasa ang aking dalawang mata.

Napansin kong nasa aking tabi pa rin si Gigi. Nag-aalala ang mukha nito habang hinihimas pa rin ang aking likod.

Ngumiti ako kay Gigi at hinawakan ang dalawang kamay nito.

Maxi: Salamat, Gigi. Balik ka na sa upuan mo. Kumain ka na ulit. Okay na si Kuya Maxi.

Ngumiti sa akin si Gigi at pagkatapos ay muli nang bumalik sa upuan nito at ipinagpatuloy ang pagkain ng hapunan.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon