GOOD NEWS FROM MAXI & JAKE

121 4 2
                                    

Sa loob ng isang studio ay naroon ang dalawang bida ng kwentong "Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)" ni Mr. WOM na sina Maxi at Jake.

Maxi: A wonderful day to each and every one of you, readers of "Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)".

Nag-heart hands emoji si Maxi habang isang pilit na ngiti naman ang pinakawalan ni Jake sa harap ng camera.

Maxi: Ngiti ka naman diyan, Jake.

Tiningnan ng masama ni Jake si Maxi.

Jake: Ayos na 'yan.

Malakas na tumawa si Maxi.

Maxi: So, guys, nandito kami ni Jake para magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng kwentong ito. Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

Nakapamulsang nagsalita si Jake sa harap ng camera.

Jake: At dahil sa inyong suporta kaya naman naisipan ni Mr. WOM ang gumawa ng isang special chapter bago ang huling chapter ng kwentong ito.

Pangiti-ngiti si Maxi sa kaseryosohan ni Jake.

Maxi: Tama! At ang mababasa ninyong character sa special chapter ay ang team na mananalo sa Poll ng kwentong ito.

Biglang sumimangot ang mukha ni Jake.

Jake: Ang baba ko nga sa Poll, eh. Actually, pinakamababa.

Muling tumawa ng malakas si Maxi.

Maxi: Ang sungit mo raw kasi.

Nang-aasar ang tinig ng boses ni Maxi.

Jake: Ano ang magagawa ko? Kasalanan ni Mr. WOM 'yan. Ginawa niya akong masungit. Samantalang si Aris na sa tatlong chapters pa lang yata mababasa ay sobrang taas sa Poll.

Nakangiting umiling-iling si Maxi.

Maxi: Don't worry. Maa-appreciate ka rin ng readers sa katagalan. Basta smile ka muna.

Hinintay ni Maxi na ngumiti si Jake ngunit hindi nito ginawa at lalo pang nagsalubong ang mga kilay nito.

Maxi: Bahala ka.

Muling humarap si Maxi sa harap ng camera.

Maxi: Okay, readers, iyan po ang good news. Isa kina Aris, Ferdie, Lyndon, at sa masungit kong roommate na si Jake ang mababasa ninyo sa special chapter base sa kung sinong team ang mananalo.

Nakasimangot pa rin si Jake na ikinailing ni Maxi.

Maxi: Okay, guys. We have to go now. Abangan ang update ng "Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)" every first Saturday and every third Saturday of the month. Thank you.

----------

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon