KABANATA 14

112 6 0
                                    

THIRD PERSON POV

Padabog na inilapag ni Vanessa ang handbag nito sa ibabaw ng counter sa loob ng cellphone repair shop nina Jake at Jonard habang masama ang tingin kay Jake.

Kunot ang noong tumayo si Jake mula sa kanyang kinauupuan sa harap ng kanyang working table at lumakad palapit sa counter. Pilit siyang ngumiti habang nakatitig sa nakabusangot na mukha ni Vanessa.

Jake: Good afternoon, Ma'am. Ano po ang ipapaayos nila?

Humalukipkip si Vanessa at tinaasan ng isang kilay si Jake.

Vanessa: Bakit hindi mo ako tinatawagan? 'Di ba I told you to call me last time? I gave you my number. Pero bakit si Jonard ang tumawag noong nakaraan? Hindi pa ba obvious that I want to have fun with you?

Muntik nang mapangiwi si Jake dahil sa kaalamang hindi pala magpapaayos ng kung anong nasira sa cellphone nito ang customer nilang si Vanessa kundi nagpunta pala ito sa kanilang shop para lamang magmaktol dahil hindi niya ito tinawagan.

Sandaling nilingon ni Jake si Jonard na ngayon ay nakatikom ang bibig habang nakatitig sa kanya at halatang hinihintay ang kanyang isasagot kay Vanessa.

Jake: Ma'am Vanessa---

Hindi natapos ni Jake ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Vanessa.

Vanessa: Vanessa. Vanessa na nga, 'di ba? Wala ng "Ma'am". O kaya Van. O kaya Van-Van.

Ngumuso pa si Vanessa sa harapan ni Jake na parang nagtatampo.

Jake: Okay. Vanessa.

Bumuntung-hininga muna si Jake bago ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita.

Jake: Kaya hindi kita tinatawagan ay dahil hindi ako, ano ba, hindi ako---

Muling naputol ang pagsasalita ni Jake nang si Vanessa na ang nagtuloy ng kanyang gustong sabihin.

Vanessa: Hindi ka interesado.

Umirap pa si Vanessa kay Jake habang si Jake ay umiwas ng tingin sa babae.

Vanessa: Lalong hindi naman ako interesado riyan sa kasama mo.

Nagulat pa si Jake nang duruin ni Vanessa si Jonard.

Nilingon ni Jake si Jonard at nakita niyang kumakamot ito sa batok nito habang napapalunok ng laway.

Nakapameywang na sa harap ng counter si Vanessa at masama ang tingin nito kay Jake. Halatang inis na inis nang mga sandaling iyon.

Vanessa: Ano ba ang kulang sa akin? I mean, I'm almost perfect. Someone na hindi mo makikita kung saan-saan lang.

Malalim na nagbuntung-hininga si Jake at umiling.

Jake: Wala namang problema sa 'yo. Kaso ay---

Sa ikatlong pagkakataon ay naputol ang pagsasalita ni Jake dahil sa muling pag-interrupt ni Vanessa.

Vanessa: Oh my gosh. Don't tell me you're, you're, oh my, you're gay?

Nanlalaki pa ang mga mata ni Vanessa habang nakatitig kay Jake at eksaheradong nakatakip ang dalawang kamay nito sa bibig na animo'y gulat na gulat.

Hindi napigilan ni Jake ang sumimangot ang mukha matapos sabihin iyon ni Vanessa.

Jake: Look, hindi ako pusong-babae. Pero walang masama kung ganoon man ako. As long as wala akong natatapakang ibang tao at may respeto ako sa kapwa.

Matiim na tinitigan ni Jake si Vanessa.

Si Vanessa ay parang napahiya at mabilis na umiwas ng tingin mula kay Jake at maarteng hinawi-hawi ang buhok nito

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon