KABANATA 10

205 6 2
                                    

MAXI's POV

Pinipilit kong punuin ng positive thoughts ang aking isipan habang tinitingnan ang isang lalaki at isang babae na sinasamahan ng landlady ng aking inuupahang apartment na si Aling Ludy sa magiging apartment unit ng mga ito.

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama noong mga nakaraang buwan kaya sunud-sunod ang mga kamalasang dumarating sa aking buhay ngayon.

But I am Maximiliano Retillon, Maxi for short, at ako ay isang taong nakikita ang kagandahan sa bawat bagay na nangyayari sa aking buhay.

Kaya naman iisipin ko na lang na itong nangyayari ngayon ay malaking tulong para mas madali akong makapag-move on sa sakit na aking nararamdaman.

Yes, nasasaktan pa rin ako.

Patunay doon ang aking pagluha nang makita ko ang lalaki at babaeng ito na aking magiging bagong kapitbahay sa isang fast food restaurant na aming pinuntahan ng kaibigan ng aking Kuya David na si Ferdie.

Ang lalaki at ang babaeng ookupa ng bakanteng apartment unit na katabi ng apartment unit namin ng aking magkapatid na roommates na sina Jake at Gigi ay walang iba kundi ang talipandas kong ex-boyfriend na si Lyndon at ang ahas kong ex-friend na si Pauline.

Masayang kumakain at nagtatawanan sina Lyndon at Pauline nang makita ko silang magkasama sa isang table sa loob ng pinuntahan naming fast food restaurant ni Ferdie.

Nasaktan ang puso ko nang makitang hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti at halakhak ni Lyndon.

Naisip ko pa nga na baka hindi naman talaga sumaya sa akin si Lyndon. Na baka ginamit lang ako nito rahil sa aking pera.

Pero syempre positive pa rin, so iisipin ko na lang na hindi ko kayang ibigay kay Lyndon ang pangangailangan nito bilang isang lalaki na tanging ipinanganak na totoong babae lamang ang makapagpro-provide.

Buti na lang at kasama ko si Ferdie nang araw na iyon kaya naging masaya pa rin naman ako kahit papaano.

Mabuti na lang din at hindi na nagpumilit pa si Ferdie na alamin kung bakit nakita nitong lumuluha ako.

Naramdaman siguro ni Ferdie na hindi ako komportableng pag-usapan.

Narinig kong may tumikhim sa aking likuran. Paglingon ko ay nagulat akong nasa likuran ko na si Jake.

Shocks!

Ang lapit naman ng mukha ni Jake sa mukha ko. Iki-kiss ba niya ako?

Mabilis kong pinagalitan ang aking sarili sa aking isipan.

Huwag kang masyadong feeling, Maxi.

Parang nanayo ang mga balahibo sa aking balat nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Jake na humaplos sa aking kaliwang pisngi rahil sa pagbulong niya sa akin.

Jake: Anong sinisilip mo riyan?

Nakisilip na rin si Jake sa mga bago naming kapitbahay habang kinakausap ang mga ito ni Aling Ludy sa harapan ng apartment unit ng mga ito.

Maxi: Ah, ano kasi, tinitingnan ko lang 'yong mga bagong lipat diyan sa katabi nating unit. A-akalain mo, kahapon lang 'yong biglaang umalis 'yong dating nakatira sa unit na 'yan, ta-tapos ngayon ay may kapalit na agad.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon