KABANATA 3

182 8 0
                                    

MAXI's POV

Nakahiga na ako rito sa kama at alas tres na ng madaling-araw, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Grabe.

Pagod na pagod ang katawan ko physically dahil sa pag-aayos ng mga gamit ko rito sa kwartong inookupa ko sa apartment na titirhan ko ng ilang buwan. Ay hindi, hindi ko pala alam kung gaano katagal akong maninirahan dito. Hanggang hindi pa natatanggap ni Father Dear ang pagkatao ko ay dito muna sa apartment na ito ang beauty ko.

Pagod din ako ngayon emotionally dahil nga sa ginawa kong paglaladlad sa aking pamilya. Hindi kaya madali, akala niyo ba? Buti na lang at walang pag-aalinlangan akong tinanggap nina Mother Dear at Kuya David. Si Father Dear na lang talaga.

So 'yon nga, pagod ako physically and emotionally. Pero hindi man lang ako makatulog. At ito ay dahil sa boyfriend kong si Lyndon.

Kahapong tinawagan ko si Lyndon ay narinig kong parang hinihingal siya at pagkatapos ay narinig kong umungol siya at may babaeng humalinghing. Gulat na gulat ako kaya naman nabitiwan ko ang cellphone na binigay sa akin ni Kuya David. Nang mahimasmasan ako ay tinapos ko ang tawag nang hindi nagpapaalam kay Lyndon. Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko kung sakaling may marinig pa akong iba mula sa kabilang linya. Ayokong mag-isip ng masama pero iba ang naramdaman ko ng moment na iyon. Parang bigla akong kinabahan. May tiwala naman ako sa boyfriend ko rahil mahal ko siya, pero may bumubulong sa isang bahagi ng isip ko at nagsasabing pakinggan ko ang intuition ko.

May babae nga kaya si Lyndon?

No. Ayokong i-entertain ang thought na 'yan. Masasaktan ako kapag nagkataon. Mahal na mahal ko si Lyndon.

Naaalala ko pa 'yong first day na nagkita kami. Kumakain kami ng tatlong babaeng best friends kong sina Devon, Pauline, at Ruby sa isang fast food restaurant kung saan nagtatrabaho si Lyndon bilang isang service crew. Napansin ko agad siya rahil sa taglay niyang kagwapuhan. Nang lumapit siya sa amin para kuhain ang order namin ay parang nag-somersault ang puso ko habang nakatitig sa mga nangungusap niyang mata. Nabubulol-bulol pa ako habang sinasabi sa kanya ang order ko. Nang ngumiti siya sa akin ay parang pinana ni Mr. Kupido ang puso ko. Tingin ko ay para akong tumikim ng bawal na gamot sa sobrang high ng pakiramdam ko habang langhap na langhap ko ang panlalaking pabangong humahalo sa natural niyang amoy.

Nang tumalikod si Lyndon para ibigay ang mga order namin sa mga cook sa loob ng kitchen ng fast food restaurant na iyon ay pigil na pigil ko ang aking sarili na huwag siyang habulin at yakapin ang malapad niyang likod. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang pinapanood ang kanyang paglalakad palayo sa amin.

Ang tangkad ni Lyndon na sa tantiya ko noon ay 6'1", pero nang maging magkarelasyon kami ay nalaman kong 5'9" lang. Pero matangkad pa rin 'yon. Ang namumutok niyang muscles sa mga braso at dibdib na hulmadong-hulmado sa suot niyang uniform. Ang malapad niyang mga balikat na sa tingin ko ay kayang-kaya akong buhatin na siya namang napatunayan ko nang maging kami na. Kayang-kaya niya akong kargahin gamit lamang ang isa niyang balikat. Ang mga hita at mga binti niyang humahakab sa suot niyang pantalon. Pati ang matambok niyang pang-upo na madalas kong luhuran nang maging boyfriend ko na siya.

Grabe talaga ang araw na iyon. Hindi ko akalain na siya ang magfi-first move sa akin. Isinulat niya ang kanyang contact number sa receipt na iniabot niya sa akin. Kumindat pa siya nang ibigay iyon. Hindi ko inakalang liligawan niya ako.

During our courting stage ay lagi niya akong niyayayang lumabas. Nag-alala nga ako at baka nauubos lang ang sahod niya sa dates namin kaya nag-offer ako na magkanya-kanyang bayad kami. Wala namang kaso sa akin iyon. Nahiya pa siya noong una. Tumanggi siya pero nagpumilit ako.

Ang sa una na kanya-kanyang bayad ay dumalang dahil sa mga gastusin ng kanyang pamilya na nasa probinsya. May isa rin siyang pinapaaral na kapatid. Kaya naman kalaunan ay ako na ang sumasagot sa paglabas-labas namin. Katagalan ay sinabi niyang itigil na namin ang pamamasyal, pagkain-kain sa labas, at ang panonood ng sine. Nahihiya na raw siya sa akin. Sa mga ginagastos ko. Papayag naman sana ako rahil College student pa lang ako that time at sina Father Dear at Mother Dear pa ang nagbibigay ng allowance sa akin, pero nang mga panahong iyon ay hulog na hulog na ang loob ko kay Lyndon. Hindi ko kakayanin na hindi siya makita linggo-linggo. Kaya sinabi kong huwag siyang mag-alala at okay lang sa akin ang gumastos kung kapalit naman niyon ay ang makasama siya ng ilang oras.

Nang napagdesisyunan kong sagutin na siya rahil ilang buwan na rin naman siyang nanliligaw ay iba-iba ang naging opinyon ng mga itinuturing kong matatalik na kaibigan. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi nila sa akin few hours before Lyndon became my boyfriend.

Pauline: Go na 'yan, bestie! Ang yummy kaya ni Papa Lyndon. Ang bango-bango pa!

Si Pauline talaga ang number one supporter ng Maxi-Lyndon love team. Lagi nitong sinasabi na bihira lang ang straight guys na magmamahal sa gaya ko. Masuwerte raw ako kay Lyndon kaya huwag ko na raw palampasin pa.

Ruby: Sige na, bestie. Sagutin mo na si Lyndon. Malay mo maka-discount tayo ng malaki kapag kumain tayo sa fast food restaurant na pinagtatrabahuan niya. Pero kung ayaw mo, okay lang. Hindi rin naman ganoon kasasarap ang mga pagkaing sini-serve nila.

Ganoon si Ruby. Pagkain ang laging nasa isip. Neutral lang ito pagdating kay Lyndon. Okay lang dito kung sagutin o hindi ko si Lyndon. Hindi naman daw iyon ikagugunaw ng mundo ko.

Devon: Napag-isipan mo na ba ng ilang beses 'yan, Maxi? Aba! Paano kung gatasan ka lang niyan? Uso 'yan ngayon. Baka ang ending ay maging benefactor ka niyan? Oo, gwapo siya, pero ang tanong, gaano mo ba siya kakilala? Eh, hindi mo pa nga na-meet ang family niya. Hindi kaya nabubulagan ka lang sa kabaitang ipinapakita niya sa iyo?

Typical Devon. Laging iniisip ng mabuti ang mga bagay-bagay. Hindi nagpapadala sa emosyon. Utak ang pinapairal.

Pero nanaig ang puso ko nang araw na iyon at ibinigay ko ang aking matamis at malasang OO kay Lyndon. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata ng araw na iyon. Na parang siya ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo ng mga oras na iyon. Saksi ang mga bituin sa kalangitan kung paano kong na-receive ang first kiss ko nang gabing iyon. Grabe. Ang sarap humalik ni Lyndon. Parang hinihigop ang buong sistema ko.

Napahawak ako sa aking mga labi habang inaalala ko ang gabing iyon. Tama. Mahal ako ni Lyndon. Hindi niya ako magagawang lokohin.

Nitong mga nakalipas na araw ay hindi kami masyadong nagkikita ni Lyndon. Sabi kasi niya ay lumuwas daw ng Maynila ang pamilya niya mula sa probinsya nila. Sa apartment niya muna tumutuloy ang mga ito at hindi pa raw niya nasasabi ang tungkol sa amin. Hindi raw niya alam kung paanong ipaliliwanag sa mga magulang na may karelasyon siyang hindi babae. Kaya inintindi ko siya. Kaya hindi ko rin nasabi sa kanya na maglaladlad na ako sa pamilya ko. Hindi ko na rin siya sinubukang tanungin kung pwedeng sa kanya muna ako makitira kung halimbawang mapalayas ako ng bahay dahil nga alam kong kasama niya ang kanyang pamilya sa kanyang apartment.

Kahit pa ako ang nagbabayad ng kanyang upa.

Yes, you read it right. Ako ang sumasagot ng gastusin ni Lyndon sa upa rahil alam kong hindi na sumasapat ang sahod niya para sa kanyang pamilya. Nang una ay tumanggi siya, pero nagpumilit ako. Boyfriend ko siya at kung alam kong kaya ko naman siyang matulungan, then why not.

Nagbuntung-hininga ako. Para mawala na ang agam-agam sa aking puso ay pupuntahan ko si Lyndon sa apartment niya bukas.

Hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog, pero late na akong nagising. Pagkagising ko ay hindi ko makita sa loob ng apartment ang magkapatid na Jake at Gigi na siyang roommates ko. Nagkibit-balikat ako. Inisip ko na lang na baka may lakad silang dalawa.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako. Hindi na ako kumain. Hindi ako nagugutom at marami naman akong kinain kagabi na lahat ay in-order ko lang online at ipina-deliver ko sa apartment. Buti na lang ay may natira pa akong pera mula sa kita namin ni Ruby sa aming online business. Kagabi ay tinawagan ko ito at sinabihang ito muna ang bahala sa aming online business.

Pagkarating ko sa apartment ni Lyndon ay parang may bumundol sa aking dibdib. Bigla akong kinabahan.

Huwag naman po sana. Please.

----------

itutuloy...

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon