KABANATA 11

152 9 0
                                    

MAXI's POV

Muli na naman akong napangiti sa kawalan matapos alalahanin ang nangyari kanina.

Sinabi lang naman ng aking masungit na roommate na si Jake sa ex-boyfriend kong si Lyndon na magka-live-in na kaming dalawa.

Can you imagine that?

Ang masungit kong roommate na si Jake na bihira lang kung ngumiti ay nagsabing live-in partner ko siya sa talipandas kong ex-boyfriend.

Na-appreciate ko ang ginawang iyon ni Jake para sa akin dahil halos lumubog na ako sa aking kinatatayuan kanina nang pahiyain ako ng aking dating boyfriend na si Lyndon sa harapan ni Jake, ng aking ahas na ex-friend na si Pauline, at ng landlady ng aking inuupahang apartment.

Ang lakas ng loob ni Lyndon na tawagin akong mapaghiganti matapos kong hindi bayaran ang upa ngayong buwan sa rati nitong apartment.

Did Lyndon really expect me to still pay his rent after I caught him cheating on me with my ex-friend?

Natuklasan ko ang panloloko sa akin ni Lyndon sa loob ng mismong apartment unit na ako ang nagbabayad ng upa para rito.

Hindi ko akalain na ganoon kakapal ang mukha ni Lyndon.

Unti-unti ko nang nakikita ang tunay na kulay ni Lyndon na nabigo akong nakita rahil sa aking pagmamahal para rito noon.

O maaaring magaling lang talagang magtago ng totoo nitong kulay si Lyndon kaya sa loob ng mga panahong magkarelasyon kami ay hindi man lamang sumagi sa aking isipan na kaya ako nitong lokohin?

Anuman ang rason ay masaya pa rin akong nakawala na ako mula sa isang taong katulad ni Lyndon kahit na nga ba may nararamdaman pa rin akong sakit sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang mga masasayang alaalang kasama ko ito.

Mga masasayang alaalang hindi na ako sigurado kung totoo nga ba rahil hindi na rin ako sigurado kung minahal man lamang ba ako ni Lyndon sa loob ng halos dalawang taon naming magkarelasyon dahil nabanggit nito sa aking pinagtiisan lamang ako nito rahil sa aking pera.

At dahil nga hindi na nakapagbayad ng upa ngayong buwan si Lyndon sa rati nitong apartment ay umalis na ito roon at ngayon ay magkapitbahay na kami rito sa inuupahan kong apartment.

Ang masaklap pa ay kasama ni Lyndon ang aking traydor na kaibigang si Pauline sa paglipat nito rito sa apartment.

Sa loob ng panahong magkasintahan kami ni Lyndon ay hindi man lang nitong naisipang yayain akong mag-live-in kaming dalawa pero ngayong karelasyon na nito si Pauline ay nag-live-in na agad silang dalawa.

Oh well, ano ang malay ko kung matagal na akong niloloko nina Lyndon at Pauline?

Hindi nga ba at tinawag ni Lyndon na girlfriend si Pauline nang mahuli ko silang dalawa sa akto ng panloloko sa akin?

Hay.

Kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip kina Lyndon at Pauline kung talagang gusto kong tuluyang makapag-move on mula sa panloloko nilang dalawa sa akin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at nagsimulang magsuklay ng aking buhok sa harap ng salamin ng tokador na nasa loob ng aking inookupang kwarto rito sa apartment unit na aking inuupahan.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon