KABANATA 2

210 10 2
                                    

MAXI's POV

Niyakap ko ng mahigpit ang kaibigan kong si Aris bago ito tuluyang umalis ng apartment na pinaghatiran nito sa akin. Tinulungan nito akong mag-ayos ng mga gamit ko sa isa sa mga kwarto ng apartment na magiging bahay ko for I don't know how many days, weeks or months. Or maybe years? But I'm still grateful na may natutuluyan ako ngayon. Thanks to my Kuya David at sa kakilala niya na nakahanap agad ng apartment.

Actually, maayos naman ang apartment. Wala akong nakikitang nababakbak na pintura ng dingding. Maayos din ang sahig pati ang mga bintana at ang mga pinto. Wala ring butas ang kisame. Gumagana naman ang mga gripo at walang pundidong ilaw.

"Grabe naman 'yon. Nagyayakapan sa harapan ng bata. Hindi na nahiya."

Napatigil ang paggagala-gala ng mga mata ko sa buong kabahayan nang marinig ko iyon. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa living room, may kinakalikot ito na kung ano sa hawak na cellphone. May katabi siyang batang babae na nakatingin sa akin. May curiosity sa mga mata ng bata nang tumingin ito sa akin.

Sigurado akong ako ang pinariringgan ng lalaking ito. Natatandaan kong Jake ang pangalan niya according to Aling Ludy at maaaring ang katabi niyang batang babae ang kapatid niya na sinasabi ni Aling Ludy na Gigi ang pangalan.

Akma na akong magsasalita nang bigla na namang humirit 'yong Jake.

Jake: Gigi, ano nga ulit 'yong ayaw kong kasama sa apartment na 'to?

Nakita kong medyo nalito ang bata at maya-maya ay biglang nagsalita.

Gigi: 'Yong maingay po.

Mahina lang ang tono ng boses ni Gigi, pero naririnig ko pa rin mula sa kinatatayuan ko malapit sa main door ng apartment.

Jake: Very good!

Parang proud na proud ang Jake na ito na nasagot ng tama ng kapatid ang kanyang tanong. Tuloy pa rin si Jake sa kung anong kinakalikot niya sa hawak na phone.

Napaisip ako. Hindi naman ako maingay. Pero with friends, talagang napapalakas ang boses minsan. Eh, panigurado namang hindi sila pupunta rito sa apartment na ito kaya hindi maririnig nitong Jake ang ingay namin.

Jake: Pero mayroon pa, 'di ba, Gigi? Ano pa nga 'yong isa?

Aba! May isa pa.

Nakita kong kumunot ang noo ni Gigi at maya-maya ay sumagot din.

Gigi: 'Yong madaldal po.

Jake: Tama ulit!

Nakita kong hinaplos pa ni Jake ang buhok ng kapatid na ikinatawa ng mahina nito.

Napaisip akong muli. Madaldal? Well, hindi naman ako madaldal. Kapag may ikukwento lang. Mas madaldal pa nga ang kaibigan kong si Ruby.

Maya-maya ay nagsalita na naman itong Jake.

Jake: Naku, Gigi. Nakalimutan ko. May isa pang ayaw ang Kuya Jake mo na kasama rito sa apartment.

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ng bata. Mukhang pinipilit nitong alalahanin kung ano ang tinutukoy ng Kuya Jake nito.

Jake: Ano nga ulit iyon?

Napataas ang isang kilay ko. Talaga ba? May isa pa?

Biglang napapitik sa hangin ang batang si Gigi.

Gigi: Aha! Ayaw niyo po sa maarte, Kuya Jake.

Dalawang kilay ko na ang nakataas. Maarte? Niyuko ko ang aking sarili. Hindi ako maarte. Maalaga lang sa katawan.

Nakita kong umangat ang ulo ni Jake mula sa pagkakayuko sa kinakalikot niyang cellphone at humarap sa kapatid. Nakita kong itinaas niya ang kanang kamay na nakabukas ang palad at nakipag-high five siya sa kapatid.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon