KABANATA 13

141 6 0
                                    

MAXI's POV

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagpatong ng kaliwang bisig ni Jake sa aking kaliwang balikat.

Noong nakaraang linggo matapos akong masilipan ni Jake sa loob ng aking kwarto ay nagkapalitan na kami ng numero.

Sinabi sa akin ni Jake na bilang roommates ay mahalagang may number kami ng isa't isa sa contact ng aming phones na sinang-ayunan ko naman.

Tandang-tanda ko pa kung paanong hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Jake habang nag-uusap kami sa sala nang gabing iyon.

Hindi mawala sa aking isipan kung paano kami humantong ni Jake sa ganoon.

Nasilipan ko ang pang-upo ni Jake nang hindi sinasadyang makita kong umiihi siya sa loob ng banyo at siya naman ay hindi sinasadyang masilip ang aking hubad na katawan maliban sa parte ng aking katawan na nababalutan ng boxer shorts.

Nang gabi ring iyon ay isinulat naming dalawa ni Jake sa dalawang bond paper back-to-back ang house rules na aming susundin habang magkasama kami sa iisang apartment unit.

At ngayon nga ay araw ng Sabado at isa sa house rules na aming isinulat ay maghahati kami sa gastusin ng food supplies kada linggo at magkasama kaming mamimili tuwing Sabado.

Kagagaling lang namin ni Jake sa malaking grocery store na walking distance lamang mula sa apartment building ng aming unit at ngayon ay malapit na kami sa tapat ng pintuan ng aming apartment unit habang bitbit ko sa aking kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ni Jake ang aming mga pinamili.

Parang naninigas ang aking leeg habang unti-unti kong nililingon ang bisig ni Jake na nakapatong sa aking balikat.

Napasinghap pa ako nang bigla akong hapitin ni Jake padikit sa kanyang katawan.

Nagtayuan ang mga balahibo sa aking katawan nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Jake sa aking kanang tainga nang bumulong siya sa akin.

Jake: Kalma ka lang. 'Yong mayabang mong ex, nakatingin sa 'tin.

Nang marinig ko ang sinabi ni Jake ay agad akong tumingin sa aming harapan at naroon nga sa labas ng apartment unit si Lyndon.

Nakasuot lamang ng maiksing boxer shorts si Lyndon at nakasampay sa kanang balikat nito ang isang sando.

Typical Lyndon. Gustung-gustong ipinagmamalaki ang magandang katawan nito sa maraming tao.

Nitong mga nakaraang araw ay ilang beses na kaming umaakto ni Jake na parang isang happy couple sa tuwing nakikita naming nasa paligid lamang sina Lyndon, Pauline, at Aling Ludy.

Ang tatlong taong sinabihan ni Jake na kasintahan na niya ako.

Habang papalapit kami ni Jake kay Lyndon ay maangas itong nakikipagtitigan kay Jake na ginagantihan naman ni Jake ng mas maangas na titig.

Nakahinga ako nang maluwang nang nasa tapat na kami ni Jake ng pintuan ng aming apartment unit. Halos hindi na rin kasi ako makahinga sa pagkakadikit ng balat ng bisig ni Jake sa aking balikat.

Akmang hahawakan ko na ang doorknob ng pinto nang biglang marinig ko ang tinig ng boses ng aking talipandas na ex-boyfriend.

Lyndon: Alam niyo, hindi ako naniniwalang mag-jowa kayong dalawa.

Parang bigla akong itinulos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sinabing iyon ni Lyndon.

Dahan-dahang akong humarap kay Lyndon at nakahanda na ang aking mga sasabihin nang bigla akong maunahang magsalita ni Jake.

Jake: Talaga ba, pare? Bakit naman? Hindi ba matanggap ng pride mo na mabilis na nakahanap si Maxi ng ipapalit sa 'yo?

Nilingon ko si Jake at kitang-kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon