KABANATA 12

147 6 0
                                    

MAXI's POV

Kitang-kita ko ang mga babaeng customer dito sa loob ng isang fine-dining restaurant na pasimpleng nagnanakaw ng sulyap sa lalaking kasama ko ngayon.

Ang lalaking kilalang-kilala ko mula noong mga bata pa kami.

Si Aris.

Dito sa isang fine-dining restaurant ako dinala ni Aris para kumain kami ng lunch.

According to my friend Aris ay isa raw itong date. Well, pwede naman. Basta friendly date lang.

Hindi ito pwedeng maging romantic date because I don't have any romantic feelings for Aris.

Para sa akin ay platonic lamang ang aming relationship ni Aris.

Ngunit itong si Aris at hindi nagsasawang ulit-ulitin sa akin kung gaano niya ako kagusto at ayon pa sa kanya ay nakikita niya ang kanyang sarili na kasama ako forever.

At kahit kami na ni Lyndon noon ay hindi pa rin tumigil si Aris sa kanyang pagpapahaging kung gaano niya ako kagusto.

Actually, Aris can get anyone he likes kung gugustuhin niya.

Gwapo si Aris, matangkad, sexy ang athletic body, olive-skinned, at para sa akin ang pinaka-attractive sa kanya ay ang kanyang man bun.

Aris looks so manly dahil sa man bun niya, well, at least for me.

But seeing these girls around us, I knew it. Gwapong-gwapo sila kay Aris dahil sa kanyang man bun.

Mabait din si Aris at masayang kasama. Hindi nauubusan ng kwento sa buhay at masasabi kong marunong makisama sa iba't ibang uri ng tao.

Ngunit sadyang hindi ko mahal si Aris.

Well, mahal ko si Aris but not as someone who I can fall in love with.

I love Aris as a friend.

Napalingon ako kay Aris nang marinig kong tumikhim-tikhim siya.

Aris: Ahem, ahem, ahem.

Umangat ang aking dalawang kilay dahil sa exaggerated na pagtikhim ni Aris.

Inabot ko ang isang basong tubig na s-in-erve ng waiter sa amin kanina kasama ng isang iced tea habang hinihintay namin ni Aris ang aming order na pagkain.

In-offer ko ang isang basong tubig kay Aris.

Maxi: Tubig?

Nakita kong pinapungay ni Aris ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin.

Mukhang balak pa akong akitin ni Aris sa pamamagitan ng kanyang mapupungay na mga mata.

Umiling sa akin si Aris habang mapungay pa rin ang kanyang mga matang nakatuon sa akin.

Maxi: Ang OA kasi ng pagtikhim mo. Akala ko ay nasamid ka na. Wala pa man din tayong kinakain.

Dahan-dahan kong inilapag pabalik sa ibabaw ng mesa ang isang basong tubig at nang iangat ko ang aking tingin ay muntik pa akong bumunghalit ng tawa nang makita kong mapungay pa rin ang mga mata ni Aris habang kagat-labi siyang nakatitig sa akin.

Maxi: Sabi ko na nga ba at gutom ka na. Pati labi mo ay naisipan mo nang kainin.

Sinundan ko pa ng marahang tawa ang aking sinabi.

Nang matapos akong tumawa ay nakita kong nakabusangot na ang mukha ni Aris sa akin.

Maxi: O, bakit ganyan ang mukha mo? Kanina ay parang nang-aakit ka pa.

Naningkit ang mga mata ni Aris sa akin.

Bata pa lamang kami ni Aris ay kilala ko na siya kaya alam kong hindi siya galit kapag ganitong naniningkit ang kanyang mga mata sa akin.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon