MAXI's POV
Araw ng Linggo. Supposedly, feeling blessed dapat ako ngayong araw na ito. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko habang nakikita kong nagliliparan papuntang semento ng malawak na bakuran namin ang mga personal kong gamit na pinaghahagis ng ama kong si Arnulfo. Feel na feel ni Father Dear ang pagpapalipad ng mga gamit ko rahil talagang bumubuwelo pa siya habang hinahagis ang mga ito.
Siguro maswerte pa rin ako rahil hindi niya ako sinaktan physically after kong magladlad na isa akong mujer. Na ang puso ng kanyang anak na bunsong lalaki ay ninakaw mula sa katawan ng isang babae. Na ako ay nagkakagusto sa kapwa ko lalaki. At dahil hindi ako kayang saktan ni Father Dear ay inilalabas na lang niya ang kanyang galit sa aking mga gamit.
Kaya naman pwede ko pa rin sigurong i-claim that I am blessed.
Ang Mother Dear kong si Minda ay kanina pa pinapakalma si Father Dear. Damang-dama kong nag-aalala ito para sa kalusugan ni Father Dear.
Bago pa man magliparan ang mga gamit ko rito sa labas ay may nauna pang eksena sa aming living room. Doon naganap ang aking pag-amin, ang pagkagulat nila Father Dear at Mother Dear, ang panunumbat ng aking ama, ang pagluha ng aking ina, at ang pagyakap sa akin ni Mother Dear telling me that she still loves me no matter what. Syempre humagulgol ako. Kasi nakaka-touch naman talaga. Hindi ko na nga napansin ang sariling pag-e-emote ni Father Dear. Parang slow motion na napaupo siya sa aming malaking couch at halatang dismayadong-dismayado ang mukha.
Ang Kuya David ko, nakatingin lang ito sa akin. Akala ko nga ay sasapakin ako nito. But he just smiled at me and I know, nauunawaan ako nito.
At 'yon na nga. Binawi lahat ni Father Dear ang luho ko. Ang sasakyan ko, ang phone ko, at ang iba ko pang gadgets. Pinakuha niya lahat ng gamit ko mula sa aking kwarto maliban sa mga gamit kong siya ang bumili. In short, pinalayas niya ako.
Kaya heto ako ngayon sa bakuran namin. Pinapanood ang pagliliparan ng mga gamit ko. I should be sad, pero ang sarap sa feeling na alam na nila. I feel free. Kasehoda pang kahit ako ay paliparin din ni Father Dear.
Ang problema ko nga lang ay kung saan ako titira. Syempre bago pa ako magladlad ay alam na ng friends ko ang gagawin ko. Inisip na namin ang consequences. At isa nga roon ay ang mapapalayas ako. Naaalala ko pa ang sinabi ng kaibigan kong si Ruby.
Ruby: Ipupusta ko ang buhay ko, friend. Palalayasin ka ni Tito Arnulfo.
At nagdilang-anghel nga ito. Which means, extended pa ang buhay nito.
Hindi ako pwedeng makitira kay Pauline dahil sa boarding house ito nakatira at puno na raw ang kwarto. Hindi pwedeng kay Devon dahil nakikitira lang ito sa tiyahin nitong saksakan ng sama ang ugali. At lalong hindi pwedeng kina Ruby dahil kulang pa ang kwarto nila sa kanilang pitong magkakapatid.
Naisip ko si Aris. Actually, nag-offer ito. Pero tinanggihan ko rahil ayokong may maisumbat ito sa akin oras na hilingin na naman nito sa aking maging kasintahan nito.
Yes, you read it right. Type ako ng friend kong si Aris. Ang ganda ko, 'di ba? Wala namang problema rito, 'yon nga lang, I only see him as a friend. Magkaibigan na kami simula Elementary days namin kaya hindi ko ma-imagine na mas hihigit pa roon ang relasyon namin.
Maya-maya ay napagod din si Father Dear sa paghahagis ng mga gamit ko at masama akong tinitigan. In all fairness, hindi naman niya sinabing itinatakwil niya ako, so there's still hope na matanggap niya pa rin ako in the near future.
Pumasok na siya sa loob kasama si Mother Dear matapos sabihan sina Mother Dear at Kuya David na siguraduhing walang bakas ko ang masisilayan niya paglabas niyang muli mamaya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)
Genel KurguSi MAXIMILIANO aka MAXI na yata ang sumalo sa lahat ng positive outlook na inihulog mula sa langit. Lagi niyang nakikita ang kagandahan sa lahat ng sitwasyon. Habang sa kabilang dako naman ay namumuhay ang isang lalaking parang ipinanligo na ang lah...