KABANATA 17

91 6 0
                                    

THIRD PERSON POV

Dahan-dahang nilingon ni Pauline ang ka-live-in partner na si Lyndon sa kanyang tabi sa ibabaw ng kanilang kama sa loob ng kwarto ng kanilang apartment unit. Katulad nang mga nagdaang gabi ay tinanggihan na naman siya ni Lyndon na magtalik silang dalawa kanina.

Hindi alam ni Pauline kung may nagawa ba siyang mali kaya ganoon na lamang ang pagtanggi ni Lyndon sa tuwing kinakalabit niya ito para may mangyari sa kanilang dalawa. At naaawa si Pauline sa kanyang sarili tuwing nangyayari iyon.

Noong nagtataksil pa si Lyndon sa dating kaibigan ni Pauline na si Maxi kasama siya ay halos makalimang rounds sila sa pagsasalo sa mga bawal na sandali ngunit ngayong official boyfriend and girlfriend na sila at live-in partners pa ay mabibilang lamang sa mga daliri sa isang kamay ni Pauline kung ilang beses silang nagtalik ni Lyndon.

Hindi gustong isipin ni Pauline na nagsasawa na sa kanya si Lyndon ngunit ganoon ang kanyang nararamdaman. Natatakot siya na baka gawin din sa kanya ni Lyndon kung ano ang ginawa nito sa dati nitong karelasyong si Maxi na kanyang tinraydor.

Napapaisip ngayon si Pauline kung worth it ba ang pagsira niya ng tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng dating kaibigang si Maxi nang sulutin niya mula rito si Lyndon.

May kaba sa puso ni Pauline na baka isa sa mga araw na ito, kung hindi pa man nangyayari, ay pagtaksilan din siya ni Lyndon. Parang gustong madurog ng puso ni Pauline sa kaisipang iyon dahil mahal na niya si Lyndon.

Inaamin ni Pauline sa kanyang sarili na noong una ay gusto lamang niyang matikman si Lyndon sa mga nakaw na sandali sa likod ng kanyang dating kaibigang si Maxi.

Na-curious siya kung talaga bang magaling sa kama si Lyndon katulad ng sinasabi ni Maxi. At nang matikman nga ni Pauline si Lyndon sa ibabaw ng kama sa kauna-unahang pagkakataon matapos niyang ilang beses na magparamdam dito na gusto niyang magpagalaw dito ay napatunayan niyang hindi nagsisinungaling si Maxi.

Inabot ng umaga kinabukasan ang unang makasalanang gabing pinagsaluhan nina Pauline at Lyndon. Labis na kasiyahan ang nadama ni Pauline sa piling ng katawan ng kasintahan ng kanyang kabigan kaya naman ang plano niyang pagpawi sa kanyang curiosity ng isang beses ay nasundan nang nasundan pa nang ilang gabi.

Hanggang sa nakasanayan na nina Pauline at Lyndon ang pagtaksilan at lokohin si Maxi dahil ang mahalaga sa kanila ay ang makaraos sa piling ng bawat isa. Hindi naglaon ay nahulog din ang loob ni Pauline kay Lyndon.

Dati ay hindi naniniwala si Pauline na maaaring ibigin ang isang taong nakakapiling lamang sa sarap sa ibabaw ng kama ngunit nang siya na mismo ang makaranas niyon ay naintindihan na niya na posibleng mangyari iyon.

Natutunang mahalin ni Pauline si Lyndon sa ilang beses nilang pagtatalik at naramdaman niyang ganoon din si Lyndon sa kanya.

Kaya naman nang madiskubre ni Maxi ang panloloko ni Lyndon kasama si Pauline ay nagpasya sina Pauline at Lyndon na lagyan na ng label ang ginagawa nilang pagtatalik at naging opisyal silang magkarelasyon. Hanggang sa napagdesisyunan nilang dalawa na magsama na sa iisang bubong

Ngunit hindi pa man umaabot ng isang linggo ang pagsasama nina Pauline at Lyndon sa iisang bahay ay hindi na agad maganda ang pakikitungo ni Lyndon kay Pauline.

May mga pagkakataong bigla na lamang sisigawan ni Lyndon si Pauline kapag hindi pa siya tapos sa mga gawaing-bahay at wala pa siyang nailulutong pagkain para rito. Minsan pa ay nasasaktan ni Lyndon si Pauline kapag hindi niya nagagawa ng maayos ang mga gawain sa bahay.

Minsan ay nasusunog ang mga nilulutong pagkain ni Pauline at kung minsan naman ay nasusunog niya ang mga damit ni Lyndon kapag pinaplantsa ang mga iyon.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon