PROLOGO

276 14 0
                                    

THIRD PERSON POV

Inilibot ni Maxi ang kanyang paningin sa loob ng bulwagang iyon. Ang lahat ng tao ay nag-aabang sa kanyang magiging desisyon. Hindi niya inaasahang ganito ang magaganap sa kanyang kaarawan.

Apat na lalaki ang nag-propose sa kanya na maging kasintahan niya. Sa tanang buhay niya ay hindi niya kailanman naisip na hahantong siya sa ganitong sitwasyon. Ang pag-aagawan siya ng apat na lalaki sa harap ng maraming tao. Nangangarap lang naman siyang may tatanggap at magmamahal sa kanya, pero parang sobra-sobra naman ito.

Si Lyndon. Dati niya itong kasintahan na minsang nagkamali ng landas na tinahak at ngayon ay muling nakikipagbalikan sa kanya.

Si Aris na kahit ilang beses niyang tinanggihan dahil kaibigan lamang ang tingin niya rito ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya at nagsusumamong subukan niya itong mahalin.

Si Ferdie na kaibigan ng kapatid niya. Hiniwalayan ang fiancée nito para sa kanya. Laging nariyan sa oras ng kanyang pangangailangan.

At si Jake na kailanman ay hindi niya naisip na mamahalin siya. Ang masungit na lalaking ito na ngayon ay nakangiti sa harap niya at umaasang ito ang pipiliin niya.

Naguguluhan si Maxi. Ayaw niyang makasakit ng damdamin, pero alam niya sa sariling isa lamang ang lalaking itinitibok ng kanyang puso.

Muling umikot ang kanyang paningin sa lahat ng taong naroroon. Lahat ay may kanya-kanyang pambato.

Nang bigla ay magsalita ang kanyang Kuya David.

David: Maxi, may kailangan kang malaman.

Lahat ng paningin ng mga taong naroon ay natuon kay David. Maya-maya ay may nag-play na video sa malaking screen na nasa harapan nilang lahat.

Napahugot ng paghinga ang mga taong naroroon. Ang iba ay nagbubulungan. Si Maxi ay parang nanghihina ang mga tuhod. Parang bibigay siya sa kanyang kinatatayuan anumang oras. Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Napalingon siya sa lalaking nasa video. Tumutulo ang kanyang mga luha.

Maxi: Ikaw?

----------

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon