Roni's Point of View
Sabi nila kung saan ka masaya, ayon ang sundin mo. Para lang 'tong wants vs needs. Gusto mo lang bilhin ang isang bagay dahil gusto mo, o kaya bibilhin mo ang isang bagay dahil kailangan mo. Mali ba na ang pinili ko ay ang gusto ko?
Ilang taon na ang nakakalipas, para saakin kahapon lang lahat nangyari. May babalikan pa kaya ako? Ang barkada galit pa din kaya sila saakin? Ang lalaking pinakamamahal ko, na hanggang ngayon hindi ko makalimutan...ako pa din kaya ang mahal niya?
Sila Mommy at Kuya nalang ang nakakausap ko.
Hindi ko namamalayan na tumutulo nanaman ang mga luha ko.
Flashback ~
4 years ago....
Pagkatapos na may mangyari saamin ni Borj sa Baguio, mas lalo kaming hindi mapaghiwalay. Lalo naging clingy si Borj saakin, kahit busy siya sa work niya dahil nag start na sila ni Kuya magtrabaho talaga sa restaurant namin hindi siya nawawalan ng oras saakin.
Lalo na pag may free time siya pinupuntahan niya ako sa school para lang sunduin. Minsan dinadalhan pa niya ako ng pagkain pag nakakalimutan ko mag baon, pinapa-alalahanan din kasi ako nila Mommy na magbaon na ako palagi dahil nga daw pag nagiging busy ako nakakalimutan ko na kumain. Pag may exam ako, sinasabayan niya ako sa pagpupuyat at tinutulungan niya ako. Madami din siyang mga pakulo kagaya nalang ng mga surprises niya pagdating saakin.
Nakagraduate ako na kompleto ang mga mahal ko sa buhay. Sobrang saya ko dahil finally graduate na kaming lahat.
3 years ago....
May natanggap akong email galing sa pinag-applyan kong company sa Italy. Hindi alam nila Mommy, Borj, at ang barkada na sumubok ako. Patungtong palang ako sa 4th year noon, nakita ko na ang company. Madaming gusto mag apply doon, at gustong-gusto ko talaga pumunta sa Italy. Matagal ko din pinag-isipan kung magta-try ba ako.
Dalawang buwan na ang nakakalipas kaya hindi ako nag expect na matatanggap ako, kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Binigyan nila ako ng 6 months para pag-isipan kung tatanggapin ko ba ang offer.
"Babe, akala ko ba walang iwanan?" tanong ni Borj saakin.
"Hindi naman ako mawawala e, pwede naman nating bisitahin ang isa't isa."
"Hindi mawawala? Ang layo non RONI!" pasigaw niyang sagot saakin
"Babe, intindihin mo naman ako" pagmamakaawa ko sakaniya, habang sila Mommy at ang barkada nakatingin lang saamin.
Kahit sila Mommy ay nagtatampo saakin. Kaya ko na daw mag desisyon mag-isa kaya hindi ko na sila naisali sa plano ko.
"Kami ba inintindi mo, hindi mo nga nagawang magsabi manlang? K-kung hindi ka pa aalis bukas hindi mo pa sasabihin saamin, lalo na saakin." Nasasaktang saad niya saakin.
"Babalik naman ako Borj e, magtatrabaho lang ako doon."
"Akala ko ba iintindihin natin palagi ang isa't isa Babe?" dugtong ko, sinubukan ko ding humingi ng tulong sa barkada pero wala akong nakuha sakanila.
"Ibang usapan naman kasi 'to, hindi mo naman kailangan umalis e. Napaka daming opportunity dito Roni na mas kailangan mo." Sabi niya saakin.
"Pero gusto ko doon Borj, pangarap kong bansa 'yon di ba alam mo naman."
"Gusto hahahaha, kaya kami hindi mo muna inisip. Kami kailangan mo kami pero pinagpalit mo kami diyan. Hindi na sana tayo aabot sa ganto e, kung sa una palang sinabi mo na kaso wala e. Ang sakit kasi Roni tangina 4 years ka doon, sa tingin mo matutuwa ako tapos bukas kana agad aalis?" Nagulat ako sa mga sinabi niya lalo na nagmura na siya.
Nakita ko din ang galit na expression nila Missy at Jelai. Si mommy panay iyak na din.
"Sorry" 'yon nalang ang nasabi ko.
"Kung aalis ka wala kanang babalikan. Roni, maghiwalay nalang tayo." Sabi niya saakin at bigla siyang umalis.
"BORJ" pagtawag ko sakaniya pero hindi na niya ako nilingon pa.
Lumapit ako sa barkada at humingi din ako ng sorry pero hindi nila ako pinansin, maliban kay Tonsy na sinabihan ako na mag-iingat ako.
Pagkaalis nila lumapit naman saakin sila Mommy at niyakap ako.
"Nagtatampo ako anak, bakit kasi hindi mo sinabi saamin? "tanong ni Mommy .
"Akala ko po kasi hindi ako matatanggap"
"Sister, dapat bago ka nag-apply nagsabi kana agad. Kaya hindi ko din masisisi ang barkada kung bakit sila galit sa'yo. Intindihin mo nalang muna sila, lalo na si Borj sobrang nasaktan 'yon." Sabi saakin ni Kuya
"Anak, hindi namin kayang magalit sayo ng Mommy mo, pero hindi ibig sabihin non natutuwa kami sa naging desisyon mo. Nawala na kasi kami sa plano mo, lalo na bukas agad ang alis mo." Paliwanag ni Daddy saakin.
Hindi ko mapigilang umiyak lalo na't iniisip ko ang barkada. Aalis na ako bukas pero hindi kami okay.
Kinabukasan
Maaga ako nagising dahil 7 am ihahatid na ako nila Mommy sa airport, 10 am kasi ang flight ko. Naka ready na din ang mga gamit ko, nag text ako sa barkada na aalis ako ng 7am pero kahit isa sakanila walang nagreply.
Sinbukan ko ding tawagan si Borj, pero hindi niya sinasagot.
"Babe, aalis na ako ng 7 am, ihahatid ako nila Mommy. Sana wag kana magalit saakin, hindi ko kaya Borj. Mag-iingat ka palagi, I love you and sorry." Nag text nalang ako sakaniya, kasi alam ko na ayaw talaga niya akong kausapin.
Hanggang sa pag alis namin sa bahay at makarating kami sa airport walang barkada na nagparamdam. Iyak ng iyak si Mommy habang nagpapaalam ako.
"Mommy wag po kayong mag-alala, tatawag po ako sainyo."
"First time mo pa naman lumayo saamin anak, mag-iingat ka doon ha" sabi ni Daddy.
"Kuya ikaw na muna bahala sa barkada... si Borj K-kuya" umiiyak kong sabi sakaniya.
"Mag-iingat ka don, wag mo kaming isipin dito sarili mo ang isipin mo dahil mag-isa ka lang doon" sabi niya saakin.
End of Flashback ~
Tuwing tinatanong ko si Kuya kung kumusta ang barkada lagi niyang sagot saakin okay lang daw sila. Inaantay ko na sabihin saakin ni Kuya na hinahanap nila ako kaso wala e.
Ilang buwan nalang uuwi na ako ng Pilipinas, sana maayos ko pa ang lahat. Miss na miss ko na sila. Tinatapos ko lang ang kontrata kong 4 years.
______________________________________
To be Continued ~
Please don't forget to vote po. Thank you 🖤
Narealize ko na ang sakit pala netong Chapter 1, habang nagrerevise ako.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved