LOML: 26 -

902 33 12
                                    


W-18

Roni's Point of View

Maaga ako nagising ngayon, gusto ko ng fresh milk. Kaso tulog pa si Borj, hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa ako nagcrave ng fresh milk gusto ko yung galing sa baka.

Gigisingin ko ba si Borj?

Nako-konseniya naman ako. Hindi ko namamalayan na natulo na pala ang luha ko, napakababaw ko naman. Mukhang naghahanap na ang baby ko ng iba't ibang pagkain.

Nakaupo lang ako sa kama habang nakatingin kay Borj, napakahimbing ng tulog. Siguro lalabas nalang muna ako, baka matulungan ako ng barkada.

Inayos ko lang buhok ko at tinignan ko ang sarili ko kung ayos lang ba. Mukhang okay naman, kaya lumabas na agad ako. Buti nalang gising na ang barkada pati sila Mommy. Nakita ko kasi sa messenger ko kanina nag-iingay na sila.

Naglakad lang ako palabas hanggang sa makarating ako sa pool area. Naliligo na agad sila sa swimming pool, maliban sa mga elders. Napansin naman agad ako ni Daddy, kaya lumapit siya saakin. "Bakit nakasimangot ang prinsesa namin?"

"Daddy gusto ko po kasi ng fresh milk." Narinig naman ni Mommy ang sinabi ko kaya lumapit din siya pwesto ko."Fresh milk lang pala, meron diyan sa restaurant."

"Mommy ayoko po nung easy to drink, gusto ko ng kakakuha lang sa baka o kaya sa kambing." Napanganga naman sila dahil sa sinabi ko."Mukhang mahirap ang cravings mo anak ah, pero sige tawagin ko lang ang Kuya mo." Sabi ni Daddy.

"Yuan, anak tara muna dito." Agad naman umahon si Kuya sa pool at lumapit saamin. Sumunod din ang barkada dahil nakita nila ako. Samantalang ang ibang elders ay nakatingin lang saamin.

"Anak ihanap mo muna ang kapatid mo ng fresh milk, yung kakapiga lang sa baka o kaya goat milk."

"Eh sister saan naman ako hahanap nun, tsaka nasaan ang asawa mo?" tanong niya saakin. "Tulog pa e, tsaka ayoko siya istorbohin. Dali na Kuya, gusto namin ni baby ng fresh milk."

"Alam mo may alam si Daddy, kasi one time nag crave din ako ng goat milk." Sabi ni Jelai. Lumapit si Jelai sa Daddy niya at sinabi niya na gusto ko ng fresh milk. Agad naglabas ng cellphone si tito Cesar at may tinawagan siya.

Bumalik na din si Jelai sa pwesto namin. "Okay na sis, ipapadala nalang daw dito."

"Salamat Jelai, pasabi din kay Tito."

Umalis na din sila Mommy at pumunta sa pwesto nila Tito. Ang boys naman ay bumalik na sa swimming pool.

"Guys may tanong ako, may sign ba ang mga lovers niyo kung gusto na nila magkababy?" biglang tanong ni Nelia. Pinag stay din namin si Nelia, para makabonding namin at syempre para naman mas lalong sumaya si Tonsy.

"Saakin wala naman" sabi ni Jelai "Me too, basta gumawa nalang kami hahaha" - Missy

"Wala din akong napansin kay Borj, pero ako gusto ko na din. Ready na kasi ako bumuo ng pamilya." sagot ko sa tanong ni Nelia. "Bakit mo nga pala natanong?" - Missy

"Bago ko sabihin lumayo muna tayo unti." Humanap kami ng pwedeng maupuan at mapwestuhan na malayo sa mga kasama namin. "So ayon nga kasi, lately si Tonsy puro babies nakikita ko sa cellphone niya. Like nagscroll siya sa facebook, alam niyo yun iba yung saya niya e. Kaya napapaisip ako minsan, baka gusto na niya magkababy." Paliwanag niya saamin.

"Alam mo Nelia, siya lang makakasagot sa'yo." - Jelai

"Mas mabuti kung kausapin mo siya, humanap ka ng tyempo." - Missy

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon