Borj's Point of View
Dapat mamaya pa balik ko sa resort, buti nalang natapos agad 'yong meeting namin at hindi ako masyado lumayo. Ang balak talaga ng kausap ko ay sa Baguio, pero nagkataon na may gagawin din sila sa Manila kaya kahit papaano nabawasan 'yong pagod ko.
Ilang minuto nalang makakarating na ako sa resort, nagchat na din ako kay Yuan at Roni. Wala akong natanggap na reply kay Roni, baka busy siya o tulog. Sabi din kasi ni Yuan, nagpapahinga daw ang barkada.
Pagkarating ko agad naman nagsilapitan ang staffs saakin, kaya nag-utos ako na maghanap ng tatlong available room sa VIP. Para kay Yuan at Missy, Jelai at Junjun at solo si Tonsy.
Agad naman silang kumilos at sasabihan nalang daw nila ako pag may nakita na sila. Dumeretso na ako sa room ko, hindi na ako kumatok dahil alam ko naman na hindi tulog 'tong mga boys. As expected nag-chichismisan akala mo mga babae e.
"Mga pare" pagkuha ko sa atensyon nila.
"Oy Borj" - Junjun
"Hi Borj" - Tonsy
"Kumusta lakad mo, pare?" Tanong ni pareng Yuan.
"Ayon okay naman na, buti mabilis lang." Sagot ko naman sa kaniya.
"Pahinga ka muna, nagbabalak girls mamaya swimming daw sa dagat." Saad ni Yuan.
"Nasaan pala sila?" tanong ko sakaniya, nakuha naman ata niya kung sino talaga ang hinahanap ko kaya napangisi siya bigla.
"Nandoon sa room ni Roni, nagpapahinga baka mga tulog"
"Ah" yon nalang nasabi ko at agad akong umupo sa sofa.
"Pare may tatanong sana ako, kung okay lang?" seryosong tanong ni Junjun, tumango naman ako bilang pagpayag.
"Kumusta ka, kayo ni Roni?" tanong niya saakin, nagtinginan naman kami nila Tonsy at Yuan.
"Bakit mo naman natanong?" Pabalik kong tanong sakaniya.
"Syempre pare nag-aalala ako sainyo. Ayoko lang din may awkward sa barkada." Deretsahan niyang sagot.
"Wag kayo mag-alala okay lang kami, tsaka wag na natin isipin mga ganiyang bagay. Siguro go with the flow nalang." Seryoso kong saad, pero sa totoo lang nagpipigil lang ako tumawa. Ang hirap pala nitong ginagawa namin ni Roni.
"Nire-respeto namin kung anong gusto mo Borj, pero hoping pa din na maging maayos na kayo." Biglang sabi ni Tonsy.
"Tama si Tonsy, sa 4 years never ka nag open sa barkada. Wala kaming alam sa mga tumatakbo sa isip mo, hindi namin alam kung paano ka iko-comfort. Thankful kami kasi nandiyan si pareng Yuan na nakakapagsabi saamin kung ano na nangyayari sayo." - Junjun
"Yung mga oras na kailangan mo kami na nandito naman kami, pero hindi namin alam kung paano ka i-approach. Like noong birthday mo at birthday ni Roni lagi kang wala. Feeling namin iniiwasan mo kami." -Tonsy
"Alam niyo mga pare, ramdam ko naman na nandiyan ang barkada. Valid din yung mga nararamdaman niyo noong mga oras na 'yon, siguro mali ko din na medyo lumalayo ako pag may events kagaya nga pag birthday namin ni Roni. Kasi sa totoo lang niyan, ayoko mag-celebrate dahil gusto ko siyang makita." Pagpapaliawang ko at nakita ko naman ang pag-iba ng reaksyon nila.
"What do you mean, Borj?" nagtatakang tanong ni Tonsy
"Borj hayaan mo muna silang macurious, kwento mo nalang pag kompleto at ayos na ang barkada." Pagsingit ni Yuan.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved