Roni's Point of View
Nandito na ako sa Boro Resort, nagpahatid ako kay Kuya dahil baka maligaw-ligaw ako. Tsaka madami akong dalang gamit, mahihirapan ako kung nag commute ako. Umalis din agad si Kuya pagkahatid niya saakin.
Kabog ang mga staff dito, pagkababa ko palang sa van may mga nakaabang na para tulungan ako sa mga gamit ko. Sabi ko nga sa mga staff hindi ako VIP, baka nagkakamali lang sila. Aba'y nginitian lang ako, at sila na daw ang bahala saakin.
Hinatid nila ako sa room ko, at binigay nila ang susi. Nakakatuwa naman feeling ko ang special ko tuloy. Pumasok na ako sa kwarto, hindi ako makapaniwala na ganto yung room ko. Sa picture kasi simple lang, e 'tong room na binigay saakin parang hindi ko deserve. Nagpa book lang kasi ako ng worth 2,000 everyday, pinili ko talaga ang pinaka simple at mura lang.
Aalis nalang ako pag pinaalis ako, feeling ko talaga hindi saakin 'tong room baka nagkamali lang sila. Feeling ko magkakasundo kami nitong may-ari ng resort, same taste kami pagdating sa design ng room. Napakaganda ng room white and black lang siya, ang linis tignan.
Napansin ko din kanina sa labas palang ng resort ang linis at ang ganda ng pagkakaayos, simula sa halaman, bench, chairs, at tables....
Grabe ang ganda talaga parang familiar nga e, hindi ko lang tanda kung saan ko nakita. Nilabas ko muna sa maleta ko ang mga gamit ko para mailagay ko sa mga lagayan dito, tutal one week naman ata ako dito susulitin ko na talaga. Buti nga may lutuan na din dito, para makatipid din ako sa gastusin.
Pagkatapos ko ilagay ang mga gamit ko sa tamang lagayan, lumabas muna ako para makapag libot-libot. Tama nga ang nakita kong ratings sa social media, worth it pag dito ka pumunta.
May swimming pool, malapit din sa dagat, may restaurant, may mga activities na pwedeng gawin at syempre may mga iba pang bilihan na affordable. Next time isasama ko ang barkada dito.Habang naglalakad ako may nakita akong pamilyar na tao, parang si Borj. Sa daming tao na nakaka-salubong ko, biglang nawala si Borj sa pwesto niya.
Baka namamalik-mata ka lang self...
Ano naman gagawin ni Borj dito? Ang layo kaya nitong resort saamin, tsaka ang alam ko busy siya. Kakaisip ko lang siguro 'to sakaniya. Miss na miss ko na si Borj, gustong-gusto ko siya yakapin at sabihin kung gaano ko siya ka-miss.
Dahil hindi pa ako nakain, naisipan kong pumunta muna sa restaurant. Nag order lang ako ng white pasta at juice. Ilang minuto lang ay dumating na din ang order ko, unang subo ko palang nagtaka na ako sa lasa. Parang natikman ko na 'tong gan'tong luto.
Dahil may pasta din kaming tinda sa resto namin, pilit kong inaalala kong saan ko ba natikman yung white pasta. Sa tagal ko ba namang wala dito sa Pilipinas, hirap na tuloy ako alalahanin.
"Ma'am dahil VIP po kayo, may free cake po para sainyo. Enjoy your food." Sabi ng waitress saakin.
"Miss hindi po ako VIP, kanina ko pa kasi napapansin. Baka nagkamali lang kayo, bayaran ko nalang 'to."
"Kayo po si Ma'am Roni Salcedo, tama po ba?" tanong niya saakin.
"Yes, ako nga po 'yon."
"Isa po kayo sa VIP na naka schedule na darating ngayong araw."
"Wait normal room lang ang binook ko, may mali talaga. Sino kaya pwede kong kausapin about sa concern ko?" tanong ko sakaniya.
"Bago palang po ako dito ma'am, kaya hindi ko po alam kung sino ang dapat niyong kausapin."
Pagkatapos namin mag-usap, bumalik na ako sa kinakain ko. Dahil nandito naman na ako as VIP daw, bago nalang ako umalis dito sa resort bayaran ko nalang kung magkano ang VIP. Nakakahiya naman kung aabusin ko 'tong may-ari, kaya dapat magbayad ako ng patas.
Habang pabalik na ako sa room ko nakatanggap ako ng text galing sa uknown number.
"Enjoy"
Ayon lang text niya, sino naman kaya 'to wala naman akong ibang pinagbigyan ng number ko maliban kay Kuya. Speaking of Kuya, lagot talaga saakin 'yon. Matawagan nga baka siya may pakana.
"Oh sister napatawag ka?"
"Stop pretending kuya, alam ko ginawa mo nanaman akong prinsesa e" sabi ko sakaniya.
"Ano sinasabi mo Roni, anong prinsesa ka diyan?" nagtataka niyang tanong.
"Duh Kuya, nagbook ako ng normal room lang, tapos ang binigay saakin VIP. Alam din ng staff sa resto na kinainin ko na VIP ako" paliwanag ko sakaniya.
"Sister hindi ko alam kung ano sinasabi mo, hinatid lang naman kita diyan" seryosong saad niya.
"Totoo ba Kuya, e bakit nasa VIP ako tsaka may nagtext saakin enjoy daw? Ikaw lang naman may alam ng number ko" pagtataray ko sakaniya.
"Roni nakaka-dalawang bintang kana, wala ako kinalaman diyan pati hindi ko pinamigay number mo. Sige na at kailangan ako dito sa resto."
Pinatayan ba naman ako ng tawag. Makatulog na nga lang muna, mamaya na ulit ako maglilibot-libot.
_______________________________________
To be Continued ~
Please don't forget to vote po. Thank you 🖤
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved