LOML: 02

312 20 2
                                    

Roni's Point of View

Ngayong araw ang balik ko sa Pilipinas, si Kuya Yuan lang ang nakakaalam. Sinabihan ko siya na wag niya munang ipaalam kila Mommy at Daddy dahil balak ko silang surpresahin.

Dinouble check ko kung okay na ba ang lahat ng gamit ko. Bumili din ako ng mga pasalubong para sa barkada, tinanong ko si kuya kung ano 'yong mga gusto nila. Wala naman akong ibang pwedeng pagtanungan kundi sakaniya lang.

Nabalitaan ko din na napaka daming achievements na nakuha ni Borj at nakapag patayo na siya ng sarili niyang restaurant. Pero hindi ko alam kung saan, dahil ayaw sabihin ni Kuya baka daw bigla kong puntahan.

Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin, lalo na si Borj at ang bestfriend kong si Jelai. Sa totoo lang sa 4 years na nandito ako sa Italy iniisip ko kung bakit ganoon nalang kagalit si Jelai saakin.

Nakasakay na ako sa taxi papuntang airport, mahaba-haba 'tong byahe ko pa uwing pinas. Pero sobrang excited na ako, after 4 years malalanghap ko na ulit ang hangin sa Pinas. Mararanasan ko na ulit 'yong mga events na nakaligtaan ko, na sa pinas ko lang talaga ma-experience.

Pilipinas~

Ilang oras din ang naging byahe ko, buti nalang at maaga pumuntang airport si Kuya kaya hindi na ako nag-antay pa ng matagal. Papasok na kami ngayon sa subdivision grabe namiss ko dito, nadaan namin 'yong bahay nila Jelai wala pading pinagbago napaka dami pa ring halaman. Pagkarating namin sa tapat ng bahay, nagulat ako dahil nandoon ang barkada pati ang parents nila.

Agad akong bumaba sa van at tumakbo ako papunta sakanila. Isa-isa ko silang niyakap ang panghuli ay sila Lolo Miyong at Lola ni Borj. Nakaramdam naman sila na hinahanp ko si Borj, kaya sabi ni Lolo ay busy daw.

Busy....baka ayaw lang akong makita. Deserve ko naman.

"Kuya, sabi ko sa'yo wag mo ipaalam para surpise."

"Hindi pwede sister, nung kausap mo ako katabi ko lang sila Mommy, hahaha tsaka tignan mo nandito kaming lahat ganoon ka namin ka-miss."

"Thank you, Kuya" niyakap ko siya at nakisali naman ang barkada.

"Tama na muna 'yan, kumain muna tayo" sabi ni Mommy.

Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan lang saglit tsaka nag uwian na din sila para makapag pahinga daw ako.

Dahil gabi na dito, at naninibago pa ang katawan ko hindi ako makatulog. Kaya tinawagan ko nalang si Jelai, dahil hindi pa kami nakakapag usap.

"Oh Roni, napatawag ka?" tanong niya saakin.

"Gusto sana kita maka-usap, tsaka hindi din kasi ako makakatulog agad." Sagot ko sakaniya.

"Oo nga pala iba nga pala oras sa Italy. Roni kung about sa 4 years ago, okay na naka usap na kami ni Yuan. Hindi na kami galit sa'yo."

Dahil sa sinabi niya gumaan konti ang pakiramdam ko.

"Sorry sis kung nagpakain din ako sa pride ko." Dagdag pa niya.

"Ano kaba Jelai, ako nga ang may kasalanan e. Nagdesisyon ako ng hindi kayo sinasabihan."

"Hayaan na natin sis, ang mahalaga naka-uwi kana at magkakasama na ulit tayo" natutuwa niyang saad saakin.

"Salamat sis, na-miss ko kayo nang sobra. Araw-araw nako-konseniya ako dahil sa pag-alis ko. Akala ko wala na akong barkadang babalikan....pati si Borj pala," pagpapa-katotoo ko sakaniya.

"Pwede ba naman yon sissy, ikaw lang kaya ang dragon sa barkada. Di ba guys?" nagulat ako dahil si Missy ang nagsalita, narinig ko din ang tawanan ng barkada.

"Jelai, magkakasama kayo?" nagtataka kong tanong

"Oo Roni, nandito kaming lahat kahit si Yuan. Kaya dinig nila mga sinabi mo..." hindi ko na pinatapos magsalita si Jelai at pinatay ko na ang tawag nakakahiya...

Nandoon silang lahat edi pati si Borj akala ko ba busy siya? So ayaw niya lang talaga akong makita. Parang lalo lang ata akong walang ihaharap na mukha sakaniya.

Hays Borj....gustong-gusto na kita makita kaso natatakot ako baka ipag-tabuyan mo lang ako.

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko, si Kuya Yuan lang pala. Parang kakatulog ko palang e. Alas kwatro na kasi ako nakatulog, isang oras mahigit palang ang tulog ko.

"Kuya, bakit?" tanong ko sakaniya.

"Sorry sister na-istorbo ko ang pagtulog mo nandito kasi si Jelai hinahanap ka."

"Sige Kuya, mag-ayos lang ako tapos sunod na ako." Bumaba naman agad si Kuya para sabihin kay Jelai.

Saglit lang ako nag-ayos ng sarili ko, naghilamos, tootbrush at nagpalit lang ako ng damit. Pagkababa ko nakita ko sila sa hapag-kainan.

"Good morning, sis" pagbati ni Jelai

"Good morning" sagot ko naman sakaniya at humalik ako sa pisnge nila Mommy at Daddy.

"Halatang antok ka sissy, alam mo kumain muna tayo. Mukhang masarap 'tong luto ni Tita."

"Hay nako Jelai binobola mo nanaman ako, sige na kumain na kayo diyan. Kami ni Tito mo ay aalis na, kailangan kami sa restaurant." Sabi ni Mommy.

"Roni at Yuan kayo na ang bahala dito sa bahay. Lock ang pinto pag-aalis ha, Yuan sumunod ka sa resto mamaya." Sabi naman ni Daddy.

Tumango lang si Kuya dahil may nginu-nguya pa siya. Nagtataka ako bakit nandito si Jelai, wala kaya siyang trabaho. Ayoko naman tanungin aantayin ko nalang na siya ang magkwento ng mga nangyayari sa buhay niya.

Habang nakain kami biglang dumating si Borj, hindi pa namin mapapansin na nakapasok na siya dito sa loob ng bahay kung hindi pa siya magsasalita.

"Pareng Yuan" pagtawag niya kay Kuya, napatingin kaming tatlo sakaniya. Napatingin siya sa pwesto ko at agad siyang umalis.

"Kuya"

"Hayaan mo muna sister, baka nagulat lang 'yon" sabi ni Kuya, siguro sinabi niya lang 'yon para hindi ako mag isip ng kung anu-ano.

_______________________________________

To be Continued ~

Please don't forget to vote po. Thank you 🖤

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon