Roni's Point of View
Nandito ako ngayon kasama si Borj, nasa loob kami ng kotse, naghihintay sa labas ng school ni Ronia. Wala pa naman siya sa right age para pormal na mag-aral. Three years old pa lang ang anak namin. Pero matalino siya, kaya naisip namin ni Borj na baka pwede siyang isingit kahit isang oras lang sa isang araw, para masanay siya sa paligid ng mga bata at mga guro.
Nakita namin kasi na mabilis siyang matuto, mahilig siyang magsulat at magkulay ng mga coloring books. Minsan nga, kinukulit niya kami ni Borj kapag kinakanta niya ang mga paborito niyang kids' songs. Hindi pa buo ang mga salita niya, medyo bulol pa, pero dahil kami lagi ang kasama niya, naiintindihan namin ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya.
Madaldal lang anak namin pagdating sa ibang bagay, pero pag kinakausap mo tipid siyang magsalita.
"Babe, labas ka na. Salubungin mo na si Ronia. For sure, matutuwa 'yon, daddy niya pa ang sumundo sa kanya."
Nakangiti ako habang sinasabi iyon kay Borj. Alam ko kung gaano kasaya ang anak namin kapag si Borj ang sumusundo. Sobrang lapit nila sa isa't isa, at minsan nga mas gusto pa ni Ronia na kasama ang daddy niya kaysa sa akin!
"Okay, babe. Hintayin mo kami dito," sagot ni Borj bago siya bumaba ng kotse.
Tinignan ko lang siya habang naglalakad papasok ng school, at kahit ilang minuto lang, napansin ko agad ang pagbukas ng gate at nakita ko na siya kasama si Ronia.
Napansin ko agas sila, ang laki ng ngiti nilang mag-ama! Si Ronia, tumatalon-talon pa sa sobrang tuwa.
Sumakay na si Borj sa kotse at binuhat ang bag ni Ronia papunta sa likod. Si Ronia naman, sa harapan ko sumampa. Nakangiti ako habang kinakalong siya.
"How's your day, anak?" tanong ko, habang inaayos ko ang buhok niyang nagulo sa kakatalon.
"Enjoying," tipid niyang sagot, pero sapat na para mapangiti ako. Ganyan talaga si Ronia, hindi masalita pero ramdam mo naman kung gaano siya kasaya.
"Nasaan ang kiss ni Mommy? Nakalimutan mo na?" tanong ko sa kanya, sabay turo sa pisngi ko. Agad naman siyang humarap at humalik sa akin.
Tapos, hindi pa tapos ang lambing, binigyan din niya ng halik sa pisngi ang daddy niya. Napatingin ako kay Borj, at nakangiti lang siya, mukhang tuwang-tuwa din sa lambing ni Ronia.
"Saan tayo pupunta ngayon, babe?" tanong ni Borj habang ini-start niya ang kotse. Napatingin ako sa kanya, naalala ko na hindi ko pa pala nasasabi na pupunta kami kila Mommy.
"Doon tayo kila Mommy. Hiramin daw nila si Ronia, gustong-gusto ng mga lola't lolo niya na kasama siya. Tsaka kakain tayo, nag-prepare sila ng lunch," sabi ko habang sinusuklay ko ng daliri ang buhok ni Ronia.
"Ah ganun ba? May gusto ba kayong bilhin? Pasalubong sa kanila?" tanong ni Borj habang sinusulyapan ako.
"Bili nalang tayo ng prutas, para din kila Missy," sagot ko, sabay ngiti. Alam ko na matutuwa si Missy kapag dinalhan namin ng prutas. Lagi siyang may hinahanap na makakain ngayong nagdadalang-tao siya.
Biglang sumeryoso si Borj at tanong niya, "Tayo, babe, kailan natin dadagdagan ang anak natin?" Napalingon ako sa kanya, nagulat pero natawa. Agad akong ngumiti.
"Later, babe," sagot ko nang nakangisi.
"H-ha? Later?" hindi makapaniwala niyang tanong, halatang nagulat sa sagot ko.
"Itsura mo, Borj! Hahaha. Mamaya malalaman mo," sabi ko, sabay tawa. Nakakatawa ang reaksyon niya. Hindi niya alam na buntis na pala ako, two months na. Napatingin siya sa akin, parang nag-aalangan kung seryoso ako o hindi.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanficA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved