Borj's Point of View
Ito na ang pinakahihintay naming lahat, lalo na kami ni Roni. Kahapon ko pa siya hindi nakikita, sabi kasi ng mga matatanda saamin bawal kami magkita bago ang kasal. Syempre sumusunod lang kami sakanila, miss na miss ko na ang Ronibabes ko.
Nandito na kami sa Boro Resort, magkakasama kaming boys sa kwarto ko. At ang mga girls naman ay sa room ni Roni. Ang ibang bisita ay may nireserved din akong room para sa kanila.
Maaga kaming nagpuntahan dito sa Resort para madouble check namin kung okay naba lahat, lalo na ang decorations at foods. Sobrang galing ng wedding organizer namin idagdag pa ang pagtulong ng family ni Jelai, kaya nalagpasan talaga yung expectations ko.
May isang oras pa kami para mag-ayos ng mga sarili namin, bago magsimula ang kasal. Hindi na ako makapag-antay na makitang naka bridal gown ang aking pinakamamahal na babae.
"Apo, halatang kabadong-kabado ka." Sabi ni Lolo
"Lolo normal lang naman po 'to, hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na papakasalan ko na ang taong mahal ko."
"Ganiyan na ganiyan din ang pakiramdam ko dati, bago kami magpakasal ng Lola mo." Nakangiti niyang saad.
Lumapit din si tito Charlie saakin.
"Alam mo Borj, tama ang Lolo mo. 'Yang kaba mo mamaya pa mawawala, pagkatapos ng kasal. Hayaan mo lang siya diyan sa dibdib mo, ibig sabihin lang niyan masaya ka at excited. Ito kasi yung kabang maganda ang kakalabasan, kaya i-feel mo lang."
"Opo Tito"
"Hephep-- wag ng Tito, Daddy nalang dahil magiging asawa kana ng anak ko." Napangiti naman ako at agad ko siyang niyakap.
Roni's Point of View
Hindi ako mapakali dahil sa kaba na nararamdaman ko, maya't maya ko din tinitignan ang sarili ko sa salamin. Gusto ko maganda ako sa paningin ni Borj, parang ngayon nalang ulit ako nagduda sa itsurang meron ako. Siguro dahil na rin sa buntis ako, pero hindi pa naman ako masyadong nagkakalaman.
"Sis kumalma ka diyan, maganda ka at bagay na bagay sayo ang bridal gown mo pati ang make-up mo." Sabi ni Jelai.
"Sis hindi ko kasi maiwasan, gusto ko maayos ako na makita ng lahat lalo na si Borj."
Natawa naman ang mga kasama namin dito dahil sa sinabi ko.
"Alam mo anak, kahit wala kapang make-up maganda ka sa paningin ni Borj." Sabi ni Mommy.
"Oo nga naman anak, you know my son marunong umappreciate ng kagandahan. Tsaka kahit ano pa iharap sakaniyang ayos mo, magagandahan yon basta tungkol sayo." Sabi ng Mommy ni Borj.
Kinausap din niya ako kanina na Mommy nalang daw ang itawag ko sakaniya, kahit nahihiya ako ay sinunod ko naman.
"Thank you po sainyo."
For sure sobrang gwapo ni Borj ngayon, gusto ko na siya makita. Nakaraan ko pa napapansin parang hindi na pagkain ang cravings ko, gusto ko palagi ko nakikita at nararamdaman si Borj. Ito na ata yung sinasabi nilang pinaglilihian ang partner o asawa mo.
Ang kaibahan lang saakin mabait ako kay Borj, hindi na ako yung mabilis magalit. Ako pa nga 'tong naglalambing sakaniya, at nagpapababy.
Third Person's Point of View
Ang beach resort ay nagtampok ng isang paraisong tanawin para sa kasal nina Roni at Borj. Sa pagtunog ng conch shell, nagsimula ang seremonya sa baybayin, habang ang mga bisita ay nakatayo sa tabi ng dagat, napapaligiran ng puting buhangin at mga puno ng niyog.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved