W-18
Third Person's Point of View
Maaga nagising ang Salcedo's Family dahil kaarawan ngayon ni Yuan. Excited ang lahat dahil double celebration ang mangyayari, gusto din kasi ng Mommy nila i-celebrate ang pagbubuntis ni Roni at Missy. Kagaya ng pag celebrate noong nalaman na buntis si Jelai.
Nasabihan na din ang mga malalapit sakanila lalo na ang parents ng magba-barkada, hindi pwedeng mawala sila sa importanteng araw. Kahit mga busy na sila, gagawa sila ng paraan para lang makadalo.
Ito na din ang maituturing nilang bonding, dahil minsan nalang sila magkakasama. Lalo na ngayon magkakaroon na ng mga apo ang kanilang parents, kaya mas pagtutuunan nila ito ng pansin.
Habang naglalagay sila ng decorations sa balkonahe, dumating naman si Borj kasama ang kaniyang Lolo, Lola, at ang kaniyang Mommy na naka uwi na galing sa Italy. Sinalubong naman agad sila ng Mommy nina Yuan.
Roni's Point of View
"Mare, buti nakauwi ka" napalingon ako ng marinig ko si Mommy.
Nandito na pala sila Borj kasama sila Lolo. Agad naman saakin lumapit si Borj, at humalik sa labi ko. Yumakap naman ako sakaniya, at niyakap niya din ako pabalik.
"Nako mukhang may naglalambing na buntis" sabi ni Mommy. "Kaya nga po Tita Marite, anong gusto ng mahal ko?" tanong saakin ni Borj.
"Wala na-miss lang kita noh" pagsu-sungit ko at bumitaw ako sa pagkakayakap. Lumapit naman ako kila tita at binati ko sila.
"Hi Lolo, Lola at Tita. Napaaga po ata kayo ng punta?"
"Gusto namin tumulong sa paghahanda, tsaka gusto kita makita Roni." Sagot ni Tita
"Nako mare kaya na namin 'to, mabuti pa umupo muna kayo sa loob. Roni samahan mo sila doon." Sabi ni Mommy. "Ano kaba Marite, okay lang para sa mga anak naman natin 'to." Sagot naman ni Tita.
"Hindi, bisita kayo kaya doon na kayo sa loob. Para hindi na rin magkikilos 'tong si Roni, baka mapagod mare matigas pa naman ang ulo."
"Oo nga mabuti pa pumasok na kayo sa loob, Borj samahan mo na sila doon. Patapos na din naman kami and foods nalang ang kulang, mamaya idedeliver nalang galing sa restaurant." Sabi ni Daddy.
Pumasok na kami sa loob at umupo kami sa may sala. Kinuhaan ko na din sila ng maiinom at tinapay. "Nag-abala ka pa apo, mamaya e kakain nadin tayo" Sabi ni Lola.
"Okay lang po La, 9 am palang po kasi. Tanghalian po kasi yung celebration."
"Kumusta ka Roni, ano pakiramdam mo lalo na buntis kana?" biglang tanong ng Mommy ni Borj.
"Ganito po pala talaga Tita, lalo po ako naging moody. Favorite ko po ang adobo, pero pag naamoy ko nasusuka po ako. Pag hindi po nabibigay yung gusto ko ang bilis ko po maiyak at mainis."
"Normal lang yan, wag mo lang sana paglihian sa Borj, nako kawawa 'to, hahaha" pagbibiro ni tita. Umakbay naman saakin si Borj.
"Mommy kahit paglihian niya ako ayos lang, gagawin ko lahat para lang sumaya siya."
"Apo nasasabi mo lang yan dahil simula palang yan, pag lumaki na ang tiyan ni Roni baka magmakaawa ka na lumabas na agad ang baby niyo hahaha," sabi ni Lola
"Oo nga apo, ganiyan na ganiyan ako noon sa Lola mo." Sabi ni lolo Miyong.
"Oh ano natahimik ka agad diyan" sabi ko sakaniya."Medyo napaisip lang ako, pero kahit ano pa 'yan gagawin ko talaga para sa'yo. Tsaka nagsama tayo sa sarap, dapat pati sa hirap." Sagot niya saakin.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved