LOML: 17 -

697 23 9
                                    

W-18

Roni's Point of View

Thursday ngayon at pangatlong araw ko na sa trabaho. Si Kuya Yuan ang naghahatid saakin tuwing umaga at commute naman ako pag pauwi na.

Nandito na ako sa office ngayon, inagahan ko talaga para may kasama agad si Ms. Lelai nalaman ko kasi na maaga talaga siyang napasok sa trabaho, nakasanayan na din kasi niya.

Bumili din ako ng coffee kanina para saaming dalawa, kunting chikahan lang ay nagstart na din kami magtrabaho.

Wala pang sampung minuto dumating na ang feeling may-ari ng company. Ayoko na sana siyang pagtuunan ng pansin, kaso nakakapuno din kasi talaga.

"Roni, Roni, Roni kung ako sa'yo magre-resign na ako."

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Mukhang wala ka namang ambag dito" pangre-realtalk ko sakaniya, at nagtawanan ang mga kasamahan namin.

"SHUT UP! Ang kapal ng mukha mong sabihing wala akong ambag, baguhan ka palang naman dito."

"Alam mo Ayra, tanggapin mo nalang kasi na mas bihasa ako sa'yo at mas may pakinabang ako dito sa company." Pang-aasar ko sakaniya.

Susugurin na sana niya ako nang biglang nag ring ang cellphone ko.

Lalo siyang nagalit nang ipakita ko kung sino ang natawag.

"Hi BABE!" pagdiin ko, para mas lalong mainis si Ayra.

"Good morning Ronibabes, hindi ka nakapag chat saakin kaya tumawag na ako. Nahatid ka ba ni Kuya mo?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo naman BORJ, wag ka mag-alala safe naman ako naihatid ni Kuya. Ikaw naman masyado mo akong MAHAL na MAHAL."

"Iba ata timpla mo ngayon, Babe ah"

"Hindi ah, osiya sige na. Balik na ako sa work, I love you." Bago pa makasagot si Borj ay niloud speaker ko na para madinig ni Ayra.

"I love you too, Babe, take care." pinatay ko naman agad ang tawag at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Ayra. Inis siyang umalis sa harapan ko at pumunta sa table niya.

"OMG!" sabi ni Ms. Lelai at hinila niya ako para umupo.

"Oo tama ang iniisip mo, 'yong Borj na gusto ni Ayra ay Boyfriend ko." Inunahan ko na siya, kasi alam ko naman kung ano ang sasabihin niya.

"OMG talaga Ms. Roni, galit na galit si Ayra pero deserve niya yon."

"Nakakapuno din kasi e, ayoko na sana patulan kaso papansin na masyado."

"Hayaan na natin siya, balik na tayo sa ginagawa natin. Para maaga tayo matapos." Dagdag ko pa.

Ngayon nalang ulit ako naging ganito, kahit sabihin ko pa na matapang ako nanlalambot padin ang mga tuhod ko. Hindi kasi ako sanay na nakikipag-away sa iba, nagagalit ako sa barkada pero never ko ginawang mangpahiya ng tao.

Napapabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari. Parang kailangan ko ng yakap ng isang Borj Jimenez.

Nagchat ako sakaniya, dahil feeling ko talaga kahit maaga palang ay drained na ako.

"Send your kisses and hugs please"

Alam na ni Borj, pag ganiyan ako mag chat sakaniya. Kaso wala akong nakuhang reply sakaniya, siguro tulog siya.

Natapos ang trabaho ko na puro ako pag ooverthink, kahit nung lunch namin ay hindi ako nakakain ng maayos. Iniisip ko kasi na hindi healthy ang napasukan kong trabaho. Kahit sabihin ko pang madali ang ginagawa ko, kung lagi naman ganoon setup namin ni Ayra wala ding saysay. Wala akong peace of mind.

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon