Third Person's Point of View
Sa pagbukang-liwayway, may kakaibang pakiramdam si Roni, napapahawak siya sa kanyang mabigat na tiyan. Napahinto siya, nag-iisip kung dapat na bang tawagan ang kanyang Mommy, pakiramdam kasi niya ay manganganak na siya.
Hanggang sa sumakit lalo ang kaniyang tiyan at napansin ito ni Borj. Sa isip-isip ni Roni sana ay hindi nalang sila umalis sa bahay ng kaniyang parents, para kahit papaano pag ganito ang sitwasyon ay may tutulong agad sakanila.
Si Borj na kaniyang asawa ay naglalakad-lakad, mukhang nababalisa. Tumingin siya kay Roni na tila may kahirapang nararamdaman. "Ano ba ang dapat kong gawin?" bulong niya sa kanyang sarili, pakiramdam ay nalilito dahil hindi niya din alam kung ano ang dapat niyang gawin.
Pinapangunahan kasi siya ng kaba.
Biglang may nag-ring na telepono, ang Mommy ni Roni ang natawag. Kumalabog ang dibdib ni Borj, nakikinig sa mga instructions na sinasabi ng mommy ni Roni. "Borj, kailangan na nating dalhin si Roni sa ospital, susunod kami agad doon may inaasikaso lang kami dito sa restaurant. Kumalma ka Borj, kailangan ka ng mag-ina mo." Sabi ng mommy niya.
Hindi nag-atubiling kumuha si Borj ng bag na may bitbit na gamit nila sa ospital at dali-daling lumapit kay Roni. Buti nalang talaga at ready na ang mga gamit na kakailanganin nila. "Huwag kang mag-alala, Babe" sabi niya, kahit na kinakabahan din siya. "Ako na ang bahala sa iyo."
Magkasama silang pumasok sa kotse, hawak ni Roni ang kamay ni Borj. Parang napakatagal ng biyahe papuntang ospital, bawat minutong lumilipas puno ng kaba at excitement.
Sa loob ng sasakyan, lalo pang lumalakas ang mga hingal ni Roni dahil na din sa kaniyang nararamdaman. Puti na ang mga dulo ng daliri ni Borj habang hawak niya ang manibela ng sasakyan, nakatuon lamang sa pagdadala sa kanila sa ospital nang ligtas.
"Kaya mo 'yan, Babe," pampalakas ni Borj kay Roni, matiyagang binibigyang-diin kahit na puno rin siya ng kaba. "Malapit na tayo sa ospital." Buti nalang at hindi traffic kaya mabilis silang nakarating sa Hospital.
"Babe ang sakit na talaga ng tiyan ko hoo" sabi ni Roni
Nang dumating sila sa harap ng ospital, napaluha si Roni at napahinga ng malakas. Tinulungan siya ni Borj na bumaba sa kotse, ang kanyang mga kamay ay umaaligid sa kanyang balakang na puno ng pagod. Magkasama silang pumasok, at agad naman silang inasikaso ng mga nurse.
Sa loob ng silid ng panganakan, lalong lumakas ang mga hindi maipaliwanag na nararamdaman ni ni Roni, mahigpit ang kanyang hawak sa kamay ni Borj sa bawat hagupit ng sakit. Nandoon si Borj sa tabi niya, nagbibigay ng suporta at lakas habang hinihintay ang paglabas ng baby.
At sa wakas, matapos ang ilang oras ng paghihirap, ipinanganak na ang kanilang unang baby. Napaluha si Borj, hawak ang kanilang baby sa kanyang mga bisig.
Nalaman din nila na ang parents ni Roni ay nasa labas na at nag-aantay.
Ngumiti si Roni sa kanya. "Mahal, salamat sa lahat," sabi ni Borj kay Roni. Ilang minuto lang ay nakatulog na si Roni.
Borj's Point of View
Nailipat na si Roni dito sa kinuha kong room, hanggang ngayon hindi pa siya nagigising. Dahil private hospital naman 'tong napuntahan namin, nagsabi na din ako sa doctor at nurse na dito nalang din ilagay ang baby namin.
Nasabi ko na din sa barkada at kina Lolo na nanganak na si Roni. Gusto sana nila pumunta dito, kaso hindi na ako pumayag. Papuntahin ko nalang sila sa bahay, lalo na si Missy at Jelai nagbabantay ng kanilang baby at si Nelia naman ay maselan ang kaniyang pagbubuntis.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved