LOML: 18

453 21 2
                                    

Borj's Point of View

Ngayong araw ang last day ko sa pagiging chef, at magfo-focus na din ako sa sarili kong business. Siguro yung skills ko sa pagluluto, sa family at barkada ko nalang ipapakita. Sapat na din 'yong ilang taon na nagamit ko kung ano yung natapos kong kurso.

Bago ako papasok sa trabaho, susunduin ko muna si Roni para maihatid sakanila. Ganito kami lagi ni Roni tuwing uwian niya, susunduin ko siya at sabay kaming kakain.

Pag may free time naman kami lalo na pag weekends nag d-date kami o kaya sumasama kami sa barkada. Inaantay nanga lang din namin na mag open saamin si Ronibabes, dahil tuwing tinatanong namin kung kamusta siya sa trabaho niya lagi niyang sinasabi na ayos lang. Pero kabaliktaran naman sa expression niya at sa kilos niya.

Kagaya ngayon papalapit na siya saakin, nakangiti siya pero yung mga mata niya ang lungkot. Ayoko naman siyang kulitin kung anong problema, baka lalo lang siyang mastress.

Pagkalapit niya saakin bumeso siya tsaka yumakap, niyakap ko din siya pabalik at hinalikan ko siya sa noo. Pinagbuksan ko na din siya ng pinto para makapasok na siya sa kotse.

"Ano gusto mong ulam ngayon, Babe?" tanong niya saakin.

"Kahit ano Babe, hindi naman ako mapili sa ulam e." Sagot ko sakaniya, napag usapan kasi namin kahapon na siya naman ang magluluto.

"Yung madali lang lutuin para hindi ka mapagod lalo" dagdag ko pa.

"Mag chicken curry nalang tayo" sabi niya at tumango naman ako.

"Babe bakit pala hindi ka gumaya ng course samain ng Kuya mo, mahilig ka din naman magluto?" nagtataka kong tanong sakaniya.

"Late ko na din na napagtanto na pagluluto pala talaga 'yong gusto ko, pero alam mo Borj masaya naman ako sa natapos kong course."

"Sabagay nag grow ka ng sobra, tsaka hindi pa naman late Babe, kung gusto mo pa mag-aral ulit."

"Hindi na Borj, nagagamit ko naman skills ko sa pagluluto kahit hindi 'yon natapos kong course."
Sagot naman niya saakin.

Nakarating na agad kami dito sa bahay nila, hindi na muna siya nagbihis at agad siyang dumeretso sa ref para i-check ang mga ingredients.

Buti nalang at may stocks sila.

"Alam mo Babe, kahit wala sila Mommy dito hindi nila ako nakakalimutan. Lagi silang nag go-grocery para kahit papaano may makain ako dito. Ayoko din kasi maabala sila, kagaya dati minsan pag naiiwan ako mag-isa dito sa bahay nagpapa-deliver pa sila ng foods galing sa resto."

"Ganon talaga Ronibabes, nag-iisang prinsesa ka nila kaya ayaw ka nilang nagugutom. Tsaka next time gusto mo tayo ang bumili ng mga kailangan mo, para hindi na natin maabala si Tita." Suggest ko sakaniya.

"Pwede naman Babe, pag paubos na stocks ko."

Habang nagluluto si Roni, pinapanood ko lang siya. Ayaw niya kasi akong patulungin, dahil ako naman daw ang pagsisilbihan niya. Balak ko sana ako na ang magsasaing pero pinigilan niya ako.

Lumapit ako sakaniya para ipitan ang buhok niya dahil panay hawi siya dito. Humahaba na din kasi. Kumuha na din ako ng tissue para punasan ang unting pawis niya sa mukha.

"Thank you, Borj" nginitian ko lang siya at bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

Napansin ko na kahit ano talagang isuot ni Roni, bagay sakaniya. Lalo na may shape ang katawan niya, kaya hindi siya mahirapan sukatan.

"Baka matunaw naman ako niyan" sabi niya kaya bumalik ako sa katinuan, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakaniya.

"Babe, ang sexy mo" dahil sa sinabi ko ay lumapit siya saakin at pinulupot niya ang kaniyang mga kamay sa leeg ko.

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon