LOML: 14 -

713 24 0
                                    

Borj's Point of View

Dahil sabado ngayon mas madaming tao ngayon dito sa Boro Resort. Kung late kami nagising ni Roni, mas late ang barkada. Ini-expect ko kasi gising na sila dahil 11 am na.

"Ano guys, ano plano natin for today?" tanong ni Missy na halatang may hangover pa.

"I need sabaw" pahabol pa niya.

"Inom pa love, akala mo kasi kaya mo na e maka inom ka ng madaming wine daig mo pa ako." Pag sermon sakaniya ni pareng Yuan.

"Duh ang sakit nanga ng ulo ko love, sine-sermonan mo pa ako. Gusto ko lang naman mag-enjoy kagabi" sagot naman ni Missy, habang kami ni Roni ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.

Dumating na din si Junjun at Jelai. Si Tonsy ay umalis daw dahil may aasikasuhin saglit, ayaw naman sabihin kung ano.

"Ano sis hangover din?" tanong ni Roni kay Jelai.

"Ayoko na mag-inom sis, nakakahiya yong ginawa namin kagabi" nahihiya niyang sabi.

"Wag Baby, ulitin mo pa!" sarkastikong sabi ni Junjun, kaya inirapan siya ni Jelai.

"Alam mo Junjun, ang sabihin mo ayaw mo lang akong alagaan!"

"Guys tama na 'yan, tara magkape o magsabaw para naman mawala 'yang hangover niyo." Pag-aaya ko sakanila at nagsimula na kaming maglakad.

"Kunwari ka pa Babe, ang sabihin mo naririndi kana." Bulong saakin ni Roni.

"Medyo lang naman, kakagising lang kasi natin kaya medyo hindi pa ready tainga ko sa ingay." pag-amin ko sakaniya kaya tinawanan naman niya ako.

"Alam mo Babe, ang sexy mo sa suot mo. Damit ko nalang kaya lagi ang suotin mo?" tanong ko sakaniya.

"Kung pagbuhulin ko nalang kaya kayo?" pag-singit naman ni Yuan.

"Pare ang init naman ng ulo mo." Sabi ko sakaniya, ngumuso naman siya sa diresksyon ni Missy. Natawa kami ni Roni dahil ayaw magpahawak ni Missy kay Yuan.

"Kuya bahala ka diyan noh, suyuin mo si sis. Tara na Babe." pang-aasar ni Roni

"Roni Salcedo!"

Hindi siya pinansin ni Roni, at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya.

Nakarating kami sa restaurant ng nakabusangot ang mga kasama namin ni Roni, kaya kami na ang nag order ng makakain namin. Inisip nalang namin ni Roni na wala sila, habang nag o-order kami. Paano ba naman parang wala sa mga sarili.

Nilapitan din naman agad kami ng waitress.

"Ito sinigang para kay Jelai at Missy." Sabi ni Roni

"Kila Yuan siguro fried rice, burger steak at bacon nalang" Sabi ko

"Okay ayon nalang, saatin Borj ano o-orderin natin?"

"Gusto ko ng adobo Babe, okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman, favorite ko kaya yan." Nakangiti niyang saad.

"Okay Babe, bale pare-parehas nalang tayong mag coke." Tumango naman siya, napatingin naman agad si pareng Yuan.

"Ops, bawal coke kay Missy, water nalang sakaniya."

"So Missy nalang talaga, okay Yuan!"

"Hay nako pareng Yuan at Missy. Nalista mo ba lahat ng orders namin? Padagdagan nalang din ng water." Sabi ko sa waitress.

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon