Roni's Point of View
Pagkagising ko agad ako nagpalit ng two-piece, buti nalang hindi napahaba ang tulog ko. Nang makita kong ayos na ang suot ko at itsura ko agad na akong lumbas ng room ko. Dito lang ako sa swimming pool, bukas na ako magda-dagat.
Sinimulan ko na mag swimming, saktong-sakto dahil hindi masyadong tirik ang araw. Nasaktuhan din na konti lang kami dito sa pool, dahil karamihan ay nasa dagat. Habang inii-enjoy ko ang malamig na tubig dito sa pool, hindi ko maiwasang maisip ang barkada. Sana kung nandito lang sila mas masaya.
Kahit okay na kami ng barkada, hindi ko pa din ramdam na bumalik na kami sa dati. Siguro ganon talaga mahirap nang ibalik sa dati lahat-lahat, kasalanan ko naman.
Pagkatapos ng nakakarelax na paglangoy, nagpasya akong magpahinga sa gilid ng pool, pinagma-masdan ko ang tahimik na paligid pati na rin ang mahinang hangin at ang malayong alon ng dagat. Super thankful ako kasi kahit papaano, nagkakaroon ako ng oras para sa sarili ko.
Tatayo na sana ako nang biglang may nag abot ng buko juice sa harap ko. Siya ulit yung staff kanina sa restaurant na kinainan ko.
"Miss, hindi ko na ata matatanggap 'yan" nahihiyang pagtanggi ko
"Ma'am trabaho lang po, pag hindi niyo po kinuha baka mapagalitan po ako" dahil sa sinabi niya nakonsensiya naman ako kaya kinuha ko nalang at nagpasalamat ako.
Habang nakatitig ako sa dagat may nakita akong pamilyar na tao, base palang sa suotan niya at sa hubog ng katawan niya alam kong si Ayra yon.
Pati ba naman dito makikita ko siya.Dahil ayoko namang masira ang araw ko tumayo na ako para mag ikot-ikot nalang. Nakakatuwa mga batang naghahabulan, naalala ko kami nila Jelai dati ganiyan din kami. Kahit madapa kami okay lang basta makapag enjoy at masulit ang bawat segundo.
Dahil pinapanood ko ang mga batang naghahabulan, hindi ko namalayan na may makaka-salubong pala ako. Tumama ang ulo ko sa dala niyang buko, kung minamalas nga naman.
Si Borj.....
Agad akong umiwas at dali-daling naglakad. Kahit ba naman dito walang expression, halatang galit pa din saakin. Siguro magkasama sila ni Ayra, matutuwa na sana ako dahil nakita ko siya kaso kasama ata yung Ayra.
Hindi manlang ako magawang kausapin o kaya mag sorry manlang. Nag iba kana ba talaga Borj, hindi na ba ikaw yung lalaking kilala at minahal ko?
Dahil nawala na din naman ako sa mood, bumalik nalang ako sa kwarto.
Borj's Point of View
Wala dapat ako dito sa Boro Resort ngayon, sinabi lang ni pareng Yuan na pupunta si Roni dito. Halo-halo nararamdaman ko simula nang bumalik na si Roni. Gustong-gusto ko siyang puntahan sa kanila para sumama sa pag surprise ng barkada sakaniya, kaso pinapangunahan ako ng pride. Noong tumawag siya kay Jelai, ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na nang banggitin niya ako.
Kinabukasan pumunta ako sakanila para sana ayain si Yuan na magbasketball, inagahan ko talaga para sana hindi ko makita si Roni dahil hindi ko alam kung ano i-aakto ko pero naabutan ko siyang gising na. Umalis nalang agad ako non, kasi feeling ko anytime tatakbo ako sa pwesto niya para lang yakapin siya.
Ewan ko ba pagdating kay Roni nanghihina ako, parang lahat ng lakas ko kinuha niya.
Saakin 'tong Boro Resort, ako nag utos sa staff na palitan yung pina book ni Roni, gusto ko kasi mag-enjoy siya at matrato siya ng maayos dito para mas maging komportable siya.
Natatawa nalang ako tuwing sumasagi sa isip ko na sa lahat ng sakit naramdaman at naranasan ko dahil sa pang-iiwan niya saakin, nandito pa din ako para sakaniya.
Four years siyang nasa Italy, at walong beses din akong pumunta doon para lang makita siya. Tuwing birthday namin, pumupunta ako gusto ko kasi maramdaman kahit papaano na magkalapit lang kami.
Nagtatampo ako dahil iniwan niya ako at the same time guilty ako dahil hinayaan kong umalis siya na hindi kami okay. Mahal na mahal ko siya, walang nagbago doon.
Nagbitaw ako ng salita na pag umalis siya, wala na siyang babalikan dahil galit ako. Bukas siguro susubukan ko siyang kausapin.
Nakita ko din dito si Ayra, alam niyang akin 'tong resort. Simula nang umalis si Roni, naging malapit ulit kami ni Ayra. Bumalik yung pagka-kaibigan namin. Alam ko din na nakita siya ni Roni kanina, at yung sa pag bangga ni Roni saakin kanina sinadya ko 'yon maliban sa tumama ang ulo niya sa buko na dala ko.
_______________________________________
To be Continued ~
Please don't forget to vote po. Thank you 🖤
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved