Roni's Point of View
Maaga akong nagising ngayon dahil first day ng trabaho ko. Nagsuot ako ng plain trouser pants, white sleeveless at pinatungan ko ng coat. Bagay din kasi 'to sa step in sandals ko.
Perfect..
Bumaba na agad ako pagtapos ko mag-ayos ng sarili ko. Nadatnan ko si Mommy at Kuya nag-uusap.
"Yuan, ihatid mo muna si Roni sa work niya."
"No problem Mommy, pagkahatid ko sakaniya sunod agad ako sa resto." Sagot naman ni Kuya, magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Borj.
Hindi talaga nakinig ang boyfriend ko, sabi ko sakaniya wag na siyang mag-abala na ihatid ako e.
"Good morning po Tita, pare at Ronibabes" bati niya saamin at nakipag beso kay Mommy at humalik siya sa labi ko.
"Ano ba 'yan ang aga-aga!" Sabi ni Kuya dahil sa paghalik ni Borj saakin.
"Pare ang bitter mo, palibahasa wala si Missy dito e" pang-aasar ni Borj.
"Ewan ko sa'yo Borj, Mommy mukhang hindi ko na kailangang ihatid tong si sister."
"Kaya nga Yuan e, nandito na ang prince charming niya" naka-ngiting saad ni Mommy.
"Tita ako na po bahala kay Roni, hahatid ko po siya." - Borj
"Sige Borj, salamat. Aalis na kami ni Yuan, bago mo ihatid si Roni kumain muna kayo." Tumango naman si Borj, agad ding umalis sila Mommy dahil madami pa silang dapat asikasuhin sa restaurant namin.
"Tara Babe, kain muna tayo" pag-aaya niya saakin, umupo na ako at siya na ang nag-asikaso saakin. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko at kinuhaan na din niya ako ng tubig.
"Thank you, Babe."
"Welcome Ronibabes, basta ikaw." May pagkindat pa ang loko.
"Nga pala Borj, di ba nag-usap na tayo kagabi na okay lang kahit hindi mo ako maihatid. Wala ka pa masyadong tulog e." Nag-alala kong saad sakaniya. Pansin ko kasi na antok pa siya, at halata din sa kilos niya wala siya masyadong energy.
"Babe first day mo ngayon, so dapat maihatid kita. Tsaka pagkahatid ko sa'yo, uuwi agad ako para makabawi pa ng tulog. Mahaba pa ang oras ko babe, mamayang 5pm pa naman duty ko." Pagpapaliwanag niya.
"Nako Borj, siguraduhin mo lang ha."
"Yes Babe."
"Bilisan na natin Borj, ayoko malate lalo na first day ko palang ngayon. Excited na din akong mag work." Naka-ngiti kong sabi sakaniya.
"Halata nga Ronibabes, basta wag masyado papakapagod ha. Pag may kailangan ka chat or call mo agad ako." Pagpapaalala niya.
Pagkatapos namin kumain ay siya na din ang nagligpit. Ang swerte ko talaga kay Borj. Dinouble check ko na din kung lahat ba ng kailangan ko ay nasa bag ko.
"Tara na, Ronibabes" hindi ko napansin nasa likod ko na pala siya, at tapos na siya magligpit ng pinag kainan namin. Yumakap ako sakaniya at nagpasalamat.
Kinuha niya ang bag ko at inakbayan ako palabas ng bahay, pinagbuksan niya din ako ng pintuan ng kotse na dala niya. Kahit wala pang ligo si Borj, ang bango-bango pa din niya.
Pagkapasok namin sa kotse ay siya din ang nagkabit ng seat belt ko.
"Thank you, Babe."
"For your safety, Ronibabes."
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved