Borj Point of View
Inustusan ko isa sa mga staff ko dito sa resort na magdala ng pagkain sa room ni Roni. Alas-syete na ng gabi, hindi pa siya nalabas. Alam kong wala pang kain 'yon. Lumalabas nanaman ang pagiging lover boy ko, kay Roni lang talaga ako nagiging ganito.
Magkatabi lang room namin ni Roni, sinadya ko din 'to gusto ko kasi mabantayan siya. May usapan pala kami ni pareng Yuan na tawagan ko siya para balitaan. Sana sagutin niya, busy din 'yon sa resto nila.
"O pare napatawag ka?" tanong niya saakin.
"Nakalimutan mo na ba sabi mo mag update ako sayo?" balik na tanong ko sa kaniya...nadinig ko naman ang pagtawa niya.
"Nalimutan ko Borj, ano balita sa kapatid kong dragon?" tanong niya
"Okay naman siya, nauntog lang kanina sa hawak kong buko--"
"Gago anong nauntog, pare alam kong galit ka sa utol ko pero walang ganiyanan" seryoso niyang sabi.
"Baliw di pa kasi ako tapos, hindi ko naman sinasadya 'yon. Tsaka sino ba nagsabi sayo na galit pa din ako, nagtatampo lang naman ako pare kay Roni." Pag amin ko sakaniya.
"Buti naman Borj kung ganon, ikaw muna bahala sa sister ko. Nakapag leave kana lang din naman sa work mo sulitin mo na. Ewan ko ba naman sayo may sarili ka namang business bakit hindi ka nalang din doon mag focus e, mas gusto mo pa magtrabaho sa iba." Pangse-sermon niya saakin.
"Alam mo naman rason ko diba, konting oras pa magre-resign na ako para dito nalang ako mag focus sa resort."
"Sige pare, basta support lang ako sa mga gusto mong gawin. Kita kits nalang sa susunod na araw, pupunta kami diyan ng barkada." Nagpaalam lang kami sa isa't isa at pinatay na din ang tawag.
Sana bumilis na ang oras gusto ko na kausapin si Roni, sana bukas ready na ako. Yung pagiging torpe ko kasi bumabalik nanamaan, kung kailan naman tumatanda na e.
Third Person's Point of View
Maaga nagising si Roni, dahil maaga din siyang nakatulog kagabi. Kagabi niya lang din naramdaman na masakit pala yung pagkaka untog niya sa buko na hawak ni Borj dahil may bukol ito kaunti.
Nagsuot si Roni ng plain white long sleeve, maong short at nag sandal lang siya. Balak niya ngayong araw pumunta sa iba pang resto sa resort. Kung kahapon ang nakainan niya ay may mga pasta at juice, ngayon naman ay balak niyang mag heavy breakfast. Nasarapan kasi siya sa mga kinain niya kagabi, lalo na nandon yung paborito niyang adobo.
Pagkapasok niya madami ng nakain kaya naghanap siya ng pwede pang mauupuan. Napako ang tingin niya sa pang apatan na table, may dalawa pang bakante. Kaso nagdadalawang isip siya dahil si Borj at Ayra yung nakaupo sa dalawa pang upuan.
"Kay aga-aga sakit sa mata agad nakikita ko" bulong ni Roni sakaniya sarili.
No choice siya dahil wala ng ibang mauupuan kaya lumapit na siya sa dalawa, para itanong kung pwede ba siyang doon maki-upo.
"Hi wala na kasi akong maupuan, may uupo ba dito?" tanong niya sa dalawa. Nakita niya ang simpleng pag-irap ni Ayra pero hinayaan nalang niya at kay Borj nalang tumingin.
"Pwede naman" tipid na sagot ni Borj, kaya umupo na din si Roni at kaharap niya ang dalawa. Tatawagin na sana niya ang waitress nang biglang naunahan siya ni Borj.
Agad naman lumapit ito kay Borj. At sinabi ni Borj na magdala ng adobo , rice at water para kay Roni.
Pinahabol pa niya na siya ang magbabayad."Borj wag na, Ms. ako magbabayad ng order." Sabat naman ni Roni.
"No, sige na kunin mo na ang order niya." Utos ni Borj, at natahimik nalang si Roni.
Nainis naman si Ayra dahil sa nakikita niya kaya nagpasiya siyang umalis nalang.
"Borj alis na ako ha, see you mamaya." Paalam ni Ayra at humalik pa sa pisnge ni Borj.
"Sige" - Borj
Kumirot naman ang dibdib ni Roni dahil sa nakita niya at napansin naman 'yon ni Borj.
"Kumusta ka?" tanong ni Borj kay Roni.
"Okay lang, ikaw?" balik na tanong niya kay Borj
"I don't know Roni. It's been four years since you left me." Ramdam ni Roni ang sakit sa bawat salitang lumabas sa bibig ni Borj.
"I'm sorry, Borj" yon lamang ang naisagot niya, agad siyang tumayo, at tumakbo pabalik sa kaniyang room.
Hinayaan lang siya ni Borj, dahil hindi niya alam kung bakit lumabas sa bibig niya ang mga salitang 'yon. Alam niya sa sarili niyang nasaktan niya si Roni. Hindi niya din naman masisisi ang sarili niya dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya dahil sa pang-iiwan sakaniya ni Roni 4 years ago.
Hindi mapigilan ni Roni ng maiyak dahil sa nangyari, kinuha niya ang cellphone niya at tinignan niya ang litrato nila ni Borj 4 years ago. Last picture nila ni Borj, bago malaman na aalis na pala siya.
Apat na taon nadin itong naka wallpaper sakaniyang cellphone. Kahit isang beses ay hindi niya ito pinalitan, kahit na walang kasiguraduhan kung may babalikan pa ba siya.
"Sorry Borj, kung nasaktan kita. Hayaan mo na bumawi ako sayo"
_______________________________________
To be Continued ~
Please don't forget to vote po. Thank you 🖤
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved